Itinakwil na misis
PANGKARANIWAN at tanggap ng ating lipunan na ang papel ng isang babae ay sa bahay lamang. Siya ang tinatawag na ina ng tahanan na dapat alagaan ang kanyang mga anak. Noon ay hindi nag-aambisyon ang mga babae na mag-aral at magtrabaho. Kaya kapag nagpakasal na sila ay umaasa lamang sila sa kanilang kabiyak. Kung palpak ang kanilang piniling kabiyak, ang babae ang lalabas na talunan. Tulad na lang ng kasong ito ni Veronica na nangyari maraming taon na ang nakalilipas pero hanggang ngayon ay magagamit pa rin bilang leksyon ng mga nagpapakasal.
Sigurado ako na maraming misis ang magagalit at magrereklamo sa desisyon sa kasong ito. Kaya lang, sabi nga “dura lex sed lexâ€, ibig sabihin, matigas ang batas pero ito ang batas.
Si Veronica ay nakatira sa isang maliit na bayan sa Timog Luzon. Nagpakasal siya kay Faustino na residente sa lugar. Maraming pangako si Faustino kay Veronica. Naniwala ang babae at nagpakasal kay Faustino. Pero hindi pa natatapos ang kanilang honeymoon, nadiskubre na ni Veronica ang katauhan ng lalaki. Hindi pala siya kayang pakainin ni Faustino. Pero nagtiis si Veronica. Kuntento na siya kung ano man ang kayang ibigay ni Faustino. Pinilit pa rin niya na maging maayos ang kanilang bahay.
Lumipas ang mga taon at halos hindi na umuuwi si Faustino. Hanggang sa hindi na talaga siya umuwi sa kanilang bahay. Naiwan si Veronica na walang kahit anong ikabubuhay. Hanggang nakakilala niya si Romy. Naawa ang lalaki sa kanya at tinulungan siyang makaÂraos sa pang-araw araw na gastusin. Nagdesisyon si Veronica na sumama na lang kay Romy. Maraming beses silang nagtalik. Sinuportahan ni Romy si Veronica at ang kapalit ay ang paggamit sa kanyang katawan.
Nang malaman ito ni FaÂus tino, muli siyang bumalik at nagmakaawa kay Veronica na ipagpatuloy ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa pero nagmatigas si Veronica.
Kaya kinasuhan ni Faustino ang asawa at ang kabit nitong si Romy ng adultery. Ang depensa naman ni Veronica, si Faustino raw ang nagtulak sa sitwasyon na kiÂnalalagyan niya at walang karapatan ang lalaki kung nakipagrelasyon man siya sa iba. Tama ba si Veronica?
MALI. Ang pag-abandona ng isang mister sa kanyang kabiyak at iwan ito sa kahirapan na walang kahit anong paraan para mabuhay ay hindi sapat na katwiran para payagan siya na o palayain siya sa kanyang pananagutan sa krimen. Nilabag niya ang obligasyon niyang maging tapat sa kanyang asawa. At kahit ano pa ang sabihin, maraming paraan naman para pilitin niya ang kanyang mister na tuparin ang kanyang tungkulin sa kasal. (US vs. Serrano and Ananias, 28 Phil. 230).
- Latest