^

PSN Opinyon

Congressman, pumapasok sa Batasan kahit walang sesyon

SABI NI BUBWIT… - Deo Calma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang napakasipag pala ng isang congressman na binansagang top absentee?

Ayon sa aking bubwit, happy birthday muna kay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos, Judge Silver Castillo ng Manila RTC, Dr. Vessie Crisostomo ng Taguig City College of Engineering, Sis Nina Marie Tiu Jara ng SSS Davao City, Bro. Vice-Mayor Jun Cabucana ng Santiago City at Mario Garcia.

Ayon sa aking bubwit, halos araw-araw ay puma­pasok sa Kongreso si Congressman, kaya lang ay hindi na uma­abot sa roll call kaya minamarkahan siyang absent.

Ang problema kasi kay Congressman, kapag dumating sa Batasang Pambansa ay alas-8:00 na ng gabi. Siya ay dumidiretso sa kanyang opisina at hindi na nagpupunta sa session hall. Busy umano si Congressman sa kanyang opisina at hindi puwedeng istorbohin dahil masisira ang kanyang concentration sa paglalaro ng PSP o computer games.

Dahil sa pagiging addict ni Congressman sa computer games, inaabot siya ng madaling-araw sa kanyang opisina­.

Ayon pa sa aking bubwit, madalas ay sumusobra pa ang sipag ni Congressman dahil kahit hanggang Miyerkule­s lamang ang sesyon sa Kongreso, kahit Sabado, pumapasok pa siya. Kasi, nakakalimutan pala niya kung ano ang petsa o araw.

Usap-usapan si Congressman ng mga kapwa nito kongresista dahil minsan habang sila ay nagkakape, nilikom lahat ang mga sachet ng asukal, pumunta sa isang sulok at saka nilaklak ang kinuhang asukal.

Ayon sa aking bubwit, ang kongresistang pumapasok sa Batasan kahit walang sesyon ay si Congressman L. as in Laklak.

 

vuukle comment

AYON

BATASANG PAMBANSA

CONGRESSMAN

CONGRESSMAN L

DAVAO CITY

DR. VESSIE CRISOSTOMO

ILOCOS NORTE REP

IMELDA MARCOS

JUDGE SILVER CASTILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with