Allies and bullies Mindanao version
MULING naging sentro ng discussions ngayong mga araw ay ang tangkang pagbabalik ng mga Amerikano sa Subic Naval Base at Clark Air Base dahil sa banta ng China na kung tawagin ng ating officials ay “bully’’.
At ang tinatawag ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na “ally†ay ang America.
Ayon kay Gazmin kailangan natin ang America dahil ang “bully†na China ay nasa ating doorstep na.
Ngunit hindi naman kaila na hindi naman nawawala sa atin ang mga sundalong Kano sa mga nagdaang taon pagkatapos patalsikin ang US bases sa Subic at Clark noong 1992. Hindi naman talaga umalis ang American forces sa atin lalo na dito sa katimugan na kung saan may mga clandestine facilities ang mga Kano rito.
Dito nga lang sa Mindanao ay malayang nakakahalubilo ng American soldiers ang ating military at police officials. May alliance na sila sa mga commanders ng Armed Forces of the Philippines at maging ng Philippine National Police dito sa Mindanao.
Talagang hindi napipigilan ang access ng mga US forces sa anumang kuta ng ating militar. Maliban sa mga pagbisita sa mga major command headquarters, parati ring laman ng mga battalion at brigade headquarters sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao ang mga sundalong Kano.
At hindi rin kaila ang pag-set up ng facilities ng mga elite US Navy Seals sa mga isla ng Batu-Bato, Panglima at Sugala sa Tawi Tawi. Natural na off-limits ang mga Pinoy Navy sa facilities ng mga US Navy Seals.
Ganundin ang nangyayari sa Camp Navarro na headquarters ng Armed Forces Western Mindanao Command sa Zamboanga City, na kung saan nakabase ang U.S. Joint Special Operations Task Force. May dalawang permanent structures na guwardyado ng U.S. Marines at kung saan bawal at wala talagang access ang Filipino officers.
Ang US- JSOTF sa Camp Navarro ay kinikilala na “principal operating base†ng U.S. Congressional budgetary documents, kahit na hindi ito inaamin ng U.S. o maging ng pamahalaan ng Pilipinas.
Maging sa Camp General Bautista, Busbus, Jolo, Sulu ay may U.S. JSOTF clandestine facilities din.
At sa Camp Malagutay, Bgy. Malagutay, Zamboanga City, may training unit din ang U.S. JSOTF-P na may structures and communications and administrative facilities din.
At ito pa, sa Camp Andrews Air Base, Sta. Maria sa Zamboanga City din, ang U.S. military forces ay nakakagamit din sa airstrip natin na kung saan nakabase ang C-12, C-130 aircraft at Chinook helicopters ng mga Kano.
Ang ating Filipino officers ay mahigpit na pinagbawalan sa lahat ng mga US facilities na ito na akala mo ay pag-aari ng mga Kano. Naniniwala tuloy ako na ang nagpapatakbo ng Armed Forces ay ang US Armed Forces.
Anong kaplastikan ba naman ito? Matagal nang nasa loob ng ating pamamahay ang sinasabing “allies’’.
- Latest