EDITORYAL - Hamon sa DSWD: Mga batang palaboy alisin sa kalye!
NAGKALAT ang mga batang palaboy sa kalye ngayon. Gumagawa sila ng krimen at naghaÂÂhaÂtid ng takot sa mamamayan. Iba’t iba ang tawag sa kanila ngayon --- “batang hamogâ€, “batang rugby’’ “batang spider†at kung anu-ano pang katawagan. Makikita sila sa maraming lugar sa Metro Manila.
Sa paglipana ng mga batang palaboy, maÂitatanong kung kumikilos pa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para masawata ang kanilang ginagawa. May pakialam pa ba sila rito. Sa kabila na maraming reklamo sa mga batang palaboy dahil sa paggawa ng kung anu-anong krimen --- pagnanakaw, panghoholdap, pambubugbog, pangingikil at kung anu-ano pa, walang ginagawang hakbang ang DSWD. Ang DSWD ang may tungkulin para alisin sa kalsada hindi lang ang mga batang palaboy kundi pati na rin ang mga pulubi at iba pang pagala-gala sa kalye.
Kung mag-iikot lamang ang mga taga-DSWD sa maraming lugar sa Metro Manila, matutuklasan nila kung saan naglulungga ang mga batang palaboy. Palipat-lipat lang ang mga ito. Kung saan mayroon silang mabibiktima, doon sila pumipirmi.
Kabilang sa mga lugar na madalas tumambay ang mga batang palaboy ay ang kanto ng Mayon St. at A. Bonifacio Ave. sa QC. Karamihan sa kanila ay nag-aabang ng mga truck na may kargang gulay at paninda. Aakyatin ang truck at pagnanakawan. May mga palaboy din sa paligid ng Harisson Plaza, sa tapat ng Central Bank. Notorious ang mga batang palaboy sa nasabing lugar sapagkat hindi lang nanghoholdap at nandudukot kundi nambuÂbugbog din ng kanilang makukursunadahan. Marami rin namang batang palaboy sa Recto Avenue cor. Quezon Blvd. Pawang nagra-rugby at kapag “high†na ay gumagawa na nang masama. Delikado sa mga taong naglalakad sa gabi. Marami ring palaboy sa Baywalk, Roxas Blvd.
Kailan nga ba kikilos ang DSWD para hulihin ang mga batang palaboy? Kapag marami nang nabiktima ang mga ito? Ipakita naman sana ng DSWD ang kanilang pagsisikap na maging malinis sa palaboy at mga pulubi ang lansangan ng Metro Manila. Pangit tingnan na maraming lumalaboy sa kalye.
- Latest