^

PSN Opinyon

Limutin ang sarili at pasanin ang Krus

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

HINGIN natin sa Panginoon ang biyaya na Kanyang ipinagkaloob sa lahi ni David na naging mahabagin at mapanalangin tulad ng paglitaw ng bukal ng tubig na maglilinis sa ating lahat. Limutin na natin ang mga kasalanan at karumihan ng ating sambayanan.

Patuloy nating ipanalangin ang pagbabago at pagpapaunlad ng ating bayan sa tulong ng mga bagong halal. Huwag nating pabayaan na patuloy na kurakutin ang salapi ng ating bayan. Samahan natin sila sa pag-awit ng Salmo 63: “Aking kinasasabikan, Panginoon, ikaw lamang.”

Sundin natin ang liham ni Pablo sa mga taga-Galacia na tulad ng mga Hudyo at Griyego ay tayo rin ay pagkaisahin ni Hesus. Anumang uri ng ating pagkatao, pinuno man o manggagawa ay dapat maging pantay-pantay sa ating pananalig kay Hesus. Kung tayo ay kay Hesus ay kabilang tayo sa lahi ni Abraham at tagapagmana ng mga pangako ang Diyos.

Ang lubusang pagkakilala natin kay Hesus ang ganap na magpapalakas sa ating pananampalataya at pagkakaisa sa ating pamayanan. Tinatanong tayo ni Hesus sa ating pagdiriwang ngayon.  Sino siya para sa atin? Tulad ng Kanyang pagtatanong sa mga alagad: “Sino raw ako ayon sa mga tao”. Sabi nila, Siya si Juan Bautista, si Elias o nabuhay ang isa sa mga propeta. At nang mismo Niyang tanungin ang mga alagad: “Kayo naman, ano ang sabi ninyo?” Si Pedro ang sumagot: “Ang Mesiyas ng Diyos”.

 Para bang tinatanong tayong mga Pilipino. Sino ang Presidente ninyo? Sa ating pagsagot ay sinasabi sa ating lahat ni Hesus na ang pamumuno sa ating bansa ay pagsunod sa Kanya. Dapat magbata ng hirap para paunlarin ang ating  bayan. Sinabi ni Hesus: “Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin ang ukol sa kanyang sarili”. Ang isang pinuno ay hindi dapat maging makasarili. Ang unahin niya ay paglilingkod sa bayan at kailanman ay hindi ka pababayaan ng Maykapal.  Nawa’y matanim sa  isip at puso ng mga bagong halal na ang tunay na

vuukle comment

ANG MESIYAS

ATING

DIYOS

HESUS

JUAN BAUTISTA

KANYANG

PANGINOON

SINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with