‘SEX’ kapalit uwi sa Philippines my Philippines
DAPAT isapubliko ang gagawin imbestigasyon para mapahiya sa madlang people at malaman ng kanilang mga pamilya kung anong klaseng kalibugan ang pinaggagawa ng mga tinaguriang ‘Trio Los Manyakis’ na mga Philippine Embassy official na gumupit este mali nanggipit pala sa mga pinay runaway para mapilitan makipagtalik sa kanila ang mga ito kapalit ng libreng pamasahe at mapabilis ang pag-uwi nila sa Philippines my Philippines ng walang kuskos balungos.
Sabi nga, ‘sex for travel.’
Naku ha !
Totoo kaya ito ?
Ang isa sa problema dito ay kung lulutang o lalabas sa lungga ang mga sinasabing pinagsamantalahan dahil kung hindi sila aapir magiging drawing ang balita. Tama ba Rep. Bello ?
Ang bilis pa naman umaksyon and DFA sa tsimis na pinaputok kaya kapag pumalpak ito laking kahihiyan.
Hindi lang ang ‘Trio Los Manyakis’ ang pinaiimbestigahan dito kundi ang mga ‘sulsolgaw’.
Ika nga, sulsol na bugaw pa ! Hehehe .
Dahil alam ng mga sulsolgaw ang mga may itsurang pinay runaway na kakapit sa patalim kaya naman ito ang inaalok at ibinebenta nila sa mga Arabo at ibang pang mga banyaga ng US$1,000 dahil alam nilang gipit na gipit at gustong gusto ng makauwi sa Philippines my Philippines ang mga pinay runaway kaya naisip ng mga kamote ang ‘sex for hire,’ .
Sabi nga, US$1,000 kita sa ‘sex for hire’ ng sulsolgaw. Hanep !
Ticket sa plane ang kapalit ng mga nakukursunadahan pinay runaway ng ‘trio los manyakis’ para makauwi sa Philippines my Philippines.
Sana huwag itong tantanan at kailangan busisiin ng husto para maparusahan ang may sala kung totoo man ang balita para masibak ang may sala at putulan sila ng ulo sa ibaba kailangan naman lumutang ang mga kawawang naging biktima ng ‘sex for travel,†kung totoo man ito para mas malakas ang evidence laban sa mga hunghang.
Siguro dapat na rin kalusin ang isang sulsolgaw na taga DOLE dahil hindi na ito bago sa mga kagaguhan niya sa mga bebot na biniktima nito masiado itong naging kontrobersyal at usap-usapan ng ginahasa nito ang isang nakursunadahan ‘japayuki’ ng malibugan ang gago habang nasa OWWA center ito sa Japan walang nangyari sa case problem dahil naareglo o pinakasalan ng kamote ang bebot na tinira niya. Hehehe !
Sayang at namatay na si dating Philippine Ambassador to Iraq na si Atty. Boy Parungao na dating Labor Attache sa Japan dahil kung buhay ito ngayon tiyak ingunguso ang kalbong maniyakis na sulsolgaw sa isang lugar sa M.E .
Abangan.
Sec. de Lima dapat umaksyon sa sulat ng DOT sa BI
ANO kaya ang masasabi o aksyon ni DOJ Secretary Leila de Lima sa sulat ng Department of Tourism tungkol sa reklamo ng Royal Carribean Cruise Lines sa US$250.00 overpriced fee ng Bureau of Immigration Bay Boarding Service ?
Nakarating kaya kay Secretary de Lima ang liham na ipinadala ng DOT kay David tungkol sa ‘kotong?’
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi kukunsintihin ni de Lima ang tanggapan ni David kung totoo man ito.
May imbestigasyon bang nangyayari kaya ?
Mukhang pati ang Malacañang ay tikom ang bibig sa isyung ito at hindi maantig si BI Commissioner Ric David Jr.? Alam kaya ni P. Noy ang nangyayari sa Bureau of Immigration ?
Sino kaya ang ‘padrino’ ni David Jr., sa Malacañang kahit puro kahihiyan ang pinaggagawa sa administrasyon ni P. Noy ?
Bakit hindi pa ito sibakin sa puesto ?
Kung bubusisiin ang mga kontrobersyal issue pagdating sa takasan ng mga high profile cases sa BI, aba nangunguna sa listahan sa kapalpakan si David.
Sabi nga, ang daming sabit .
Abangan.
- Latest