^

PSN Opinyon

Emergency Response Action Program sa mga kalamidad

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

NAKAAALARMA ang inilahad na mga datos sa United Nations Third Global Assessment Report on Disaster Risk Reduction. Humigit-kumulang umano na $2.5 trilyong halaga ang nawala sa ekonomiya dulot ng mga kalamidad: bagyo, baha, landslide, lindol at sunog sa iba’t ibang bansa sa nagdaang dekada, at average na 200 milyong katao taun-taon ang apektado at marami rin ang namatay.

Pero sa kabila umano nito ay hindi pa rin lubos na naaasikaso hanggang ngayon ng mga pamahalaan ang mga hakbangin sa pagtugon sa kalamidad.

Akmang-akma sa usaping ito ang inihahanda ni Mayor Erap Estrada na komprehensibong disaster risk reduction and management (DRRM) strategy sa Maynila na tinaguriang Emergency Response Action Program (ERAP) na naglalayong: 1) Magpatupad ng iba’t ibang proyekto at aktibidad sa disaster preparedness and mitigation; 2) paganahin ang disaster preparedness and response sa antas ng komunidad katuwang ang mga barangay, residente, pribadong sektor, NGOs at civic groups; at 3) Magtatag ng DRRM Office sa Manila City Hall na pangangasiwaan ng well-trained DRRM officer and staff.

Gabay na prinsipyo aniya ng naturang ERAP approach ang mga sumusunod: 1) Disaster Risk Management (pangangalaga ng mga puno, daluyan ng tubig, green spaces at iba pang aspeto ng kapaligiran, mahigpit na pagpapatupad ng safety inspections and regulations sa mga establisimyento, at iba pang environmental measures); 2) Disaster Effect Mitigation (pag-install ng early warning systems, pagpundar ng emergency equipment, pagsasanay ng disaster personnel, at malawakang information and education campaigns); at 3) Disaster Response (mobilisasyon ng first responders, pag-ayuda sa mga biktima ng kalamidad, at rehabilitasyon ng mga napinsala).

Ayon kay Mayor Erap, “Ang mga kalamidad ay madalas nakasisira ng mga ari-arian, imprastraktura at pasilidad, nagpaparalisa ng biyahe ng tao at produkto, nagdidiskaril ng negosyo, komunikasyon at supply ng tubig at kur-yente, lubhang nakaaapekto sa ekonomiya, at nagreresulta sa sakuna o kaya ay pagkamatay ng maraming tao. Sa pamamagitan nang maayos na disaster program ay mababawasan natin ang mga pinsalang dulot ng mga kalamidad.”

DISASTER

DISASTER EFFECT MITIGATION

DISASTER RESPONSE

DISASTER RISK MANAGEMENT

DISASTER RISK REDUCTION

EMERGENCY RESPONSE ACTION PROGRAM

MANILA CITY HALL

MAYOR ERAP

MAYOR ERAP ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with