^

PSN Opinyon

‘Ipit taxi gang’ (Pre-arranged area modus)

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

WALANG sinasanto ang mga putok sa buhong hinayupak na mga kawatan na pagala-gala sa mga lansangan! Mas mabilis pa sa kidlat kung umatake at mambiktima, oras na makatiyempo ng pobreng grupo o indibidwal.

Si Daisy, biktima ng “Ipit taxi gang!” Nahalughugan at natangayan ng dalawang cell phone, savings bank account card at pera habang sakay ng taxi galing Makati. Sumbong ni Daisy sa BITAG, nag-aabang sya ng masasakyan sa Atrium Makati Avenue nang bigla siyang pinarahan ng isang lumang modelo at puting taxi ng “R. Villegas”.

Dahil siksikan sa mga pilahan at pahirapan sa paghaha­nap ng taxi, agad sumakay si Daisy sa likurang bahagi ng kotse, sa paniwalang swerte s’ya nung mga oras na ‘yun! Sa Quezon Avenue, Quezon City ang destinasyon ng pasahero. Hiniling sa drayber na sa EDSA na lang dumaan kahit na trapik, magdadagdag na lang daw sya ng ‘tip’ sa manong drayber. Habang binabaybay ang EDSA, kapansin-pansin umano ang pagka-balisa ng dorobong drayber.

Pagdating sa Ortigas Avenue, imbes na sa flyover dumaan ang taxi, kumaliwa umano ito pagawi sa direksyon ng Greenhills at San Juan. Nang magalit at magtanong si Daisy, agad nagdeklara ng holdap ang drayber, inihinto ang sasakyan at pinasakay ang dalawa pang talpulanong kakutsaba sa krimen!

Dahil mekanismo na ng mga sindikato ang sira at hindi gumaganang ‘lock’ ng mga pintuan ng sasakyan, hindi na nagawang makasibat ni Daisy at sunod-sunuran na lang siya sa utos ng mga holdaper! Nang malimas na ang dalawang cell phone at pera, hindi pa umano nakuntento ang tatlong gunggong at pilit pang pinalista kay Daisy ang pin code ng ATM cards. Ang siste, pinaikot-ikot muna nila ang taxi habang pilit na nagwi-withdraw ng pera ang isa nilang kasapakat sa iba’t ibang sangay ng banko. Nang walang ma-withdraw na pera ang mga hinayupak, ibinaba na nila ang umiiyak na si Daisy sa isang madilim na lugar sa Quezon City.

Sa deskripsyon ng BITAG at mga awtoridad, binubuo ng tatlong magkakakutsabang kawatan ang “Ipit taxi gang.” Bawat isa may nakatokang aktibidades sa bawat atake at operasyon nila! Tandaan, ang mga kawatan, pagala-gala lang ‘yan! Bago sila umatake, na-profile na nila ang kanilang potential victims! Maging maingat sa pagsakay sa mga taxi! Ugaliing i-text sa mga kamag-anak at mga kaibigan ang plaka at pangalan ng taxi na nakasulat sa gawing gilid ng pintuan kapag sumasakay dito. Tanungin din sa drayber ang pangalan ng operator ng taxi para maalerto sila sa kanilang mga hokus-pokus. Mag-ingat, mag-ingat!

Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5.  Pinoy US Cops – Ride Along, Sabado 8:30 – 9:00 at BITAG, 9:15 -10 ng gabi sa PTV4.

 

ATRIUM MAKATI AVENUE

BITAG LIVE

DAHIL

DAISY

IPIT

NANG

QUEZON CITY

TAXI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with