Walang kontrol ang gobyerno
HIRAP ang mga otoridad na hanapin si Cezar Mancao, ang tumakas na testigo/suspect sa Dacer-Corbito double murder, mula sa NBI. Alam nilang nasa bansa pa, dahil lumalabas pa siya sa mga panayam sa radyo, TV at pahayagan! Kabalintunaan talaga, o baka naman hindi, na hindi mahanap ng mga otoridad ang tinatawag na Big 5, pero nakikita naman sila sa media para magbigay ng panayam. Ako, hindi ako naniniwala na hindi sila mahanap – Palparan, magkapatid na Reyes ng Palawan, Ruben Ecleo, at ngayon si Mancao. Mas naniniwala pa ako na hindi sila tunay na hinahanap, dahil na rin sa kani-kanilang koneksyon at impluwensiya na dala rin ng pera.
Bakit mga ordinar-yong kriminal ay nahahaÂnap kaagad, pero itong mga ito ay wala silang kabakas-bakas kung nasaan sila? Madaling magtago sa Pilipinas kapag may pera ka o imÂpluwensi-ya at maraming kaibigan. Sa kaso ni Mancao, wala siya sigurong gabundok na pera, pero sa mga taon niya sa serbisyo ay marami na siyang naging kaibigan sa militar. Nagpahayag na gagayahin niya ang kanyang dating amo na si Sen. Panfilo Lacson. Nawala si Lacson ng higit isang taon dahil sa pagkakasangkot niya umano sa nasabing double murder na kaso. Hindi raw siya mabibigyan ng patas na pagkakataong ipagtanggol ang kanyang sarili habang presidente pa si Gloria Arroyo. Bumalik na lang siya nang maging presidente na si Noynoy Aquino.
Mukhang isa na namang high-profile na kaso, ang Dacer-Corbito double murder ang hindi malulutas. Malaya na sina Lacson at Michael Ray Aquino, pawang mga akusado sa nasabing kaso. Ngayon, tumakas naman si Mancao at hindi mahanap. Kaya ano na ang mangyayari sa kaso? Mababaon na rin sa limot, tulad nang mara-ming kaso katulad nito? Malalaman pa kaya ng mamamayan kung sino ang pumatay sa kanilang dalawa?
Ito ang imahe ng gobÂyerno na hindi nila kaÂilangan. Mga hindi mahanap na pugante mula sa batas. Kung hindi mahahanap ang kahit isa sa kanila, magiging patunay lang na hindi naman talaga hinahanap, dahil sa pera, impluwensiya at kaibigan. Mga bagay na walang kontrol ang gobyerno.
- Latest