Mga masasayahing tao: 22 katangian
AYON sa artikulo na kumakalat sa Internet, dalawang klase ang tao sa mundo: ang mga pumiling maging masayahin, at ang mga malungkot. Ang kasiyahan ay hindi nagbubuhat sa katanyagan o kayamanan, kundi sa kalooban. Ang pinaka-sikat o pinaka-maperang tao ay maaring malungkot. Samantala, nagiging masaya ang iba dahil ninanais nila:
(1) Hindi sila nagtatanim ng galit o sama ng loob. (2) Lahat ng tao ay tinatrato nila nang mabuti at mapagbigay. (3) Tinuturing nila ang mga problema bilang pagsubok. (4) Nagpapasalamat para sa kung anong ari-ariang meron sila. (5) Ugali nilang mangarap nang malaki.
(6) Hindi nila pinuproblema ang maliliit na bagay, dahil napakaikli ng buhay para du’n. (7) Parating mabuti ang sinasabi nila tungkol sa kapwa. (8) Hindi sila nagpapalusot, o nagbibintang sa iba. (9) Lulong sila sa kasalukuyan, hindi sa nakalipas o sa kinabukasan. (10) Gumigising sila sa parehong oras tuwing umaga.
(11) Hindi nila kinukumpara ang sarili sa, o sinusukat ang, iba. (12) Pinipili nilang mabuti ang mga kaibigan. (13) Hindi nila hinahangad ang papuri. (14) Tinitiyak nilang mas makinig kaysa magsalita. (15) Inaaruga nila ang mga mahal sa buhay. (16) Nagninilay sila ng relasyon sa Diyos, sa kapwa, at sa kapaligiran.
(17) Kumakain sila nang malusog; umiiwas sa junk food, at anumang kalabisan. (18) Regular silang nag-e-exercise. (19) Namumuhay sila nang simple at tahimik. (20) Nagsasabi nang totoo. (21) Kinokontrol nila ang mga pagnanais at pagnanasa. (22) Tinatanggap nila ang mga
bagay at sitwasyon na hindi kayang baguhin.
Dahil sa mga katangiang ito, nagiging malinaw ang kanilang isip, malusog ang katawan, at kontento sa sarili.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]
- Latest