^

PSN Opinyon

Comelec paghatian ng mga eksperto

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

BATAY sa Konstitusyon dalawa ang tungkulin ng Commission on Elections. Una, magpasya sa mga kaso na may kinalaman sa halalan. Pangalawa, pamahalaan ang lahat ng eleksiyon.

Magkaibang eksperto ang kailangan ng dalawang trabaho. Para sa una, dapat ay abogado na patas at biha­ sang sumuri ng legalidad. Para sa ikalawa, dapat ay management, systems, at logistics expert na marunong magpatakbo ng mga proseso at magpakalat ng maramihang resources (tao, balota, tinta, atbp.) sa tamang lugar at oras. At dahil sa Automated Election Law of 2008, kailangan din ng information-technologists.

Saad ng Konstitusyon, dapat buuin ang Comelec ng pitong commissioners, at hindi bababa sa apat sa kanila dapat ay abogado. Sa karanasan ng bansa, hindi mai-sagawa nang matino ng mga abogadong commissio-ners ang election automation. Maanomalya ang unang automation nu’ng 2006, kung kelan kinontrata ng Come­lec ang MegaPacific. Noon namang 2010 at ngayong 2013, sablay ang precinct count optical scanners ng Smartmatic, bagong kakontrata ng Comelec.

Dapat siguro ay i-amend ang Konstitusyon para paghiwalayin sa dalawang ahensiya ang pagpapasya sa kaso at pamamahala sa eleksiyon. Pero, madugo para sa bayan ang pagdaos ng Charter Change. Kaya, ang panukala si Gus Lagman, IT expert at dating Come­lec commissioner, ay paghatian na lang ng pitong commis­sioners ang dalawang functions.

May dalawang vacancies ngayon sa Comelec. Ani Lagman, sana ay magtalaga si President Noynoy Aquino ng dalawang IT experts bilang commissioners. Para, pangatlo si Grace Padaca na hindi naman abogado kundi dating politiko, mapapamahalaan nila ang auto­ mation. Samantala, iwanan sa apat na abogadong commissioners ang mga kaso.

* * *

Makinig sa Sapol, Sa­bado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

ANI LAGMAN

AUTOMATED ELECTION LAW

CHARTER CHANGE

COMELEC

DAPAT

GRACE PADACA

GUS LAGMAN

KONSTITUSYON

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with