Biazon ayaw tigilan ng mga smuggler
MULING ipinaalala ni Customs Commissioner Ruffy Biazon na tamang buwis lamang ang kailangan nila para sa gobierno ng Philippines my Philippines ang dapat bayaran ng mga importer/broker sa kanilang mga kargamento para hindi na sila magka-problema at makasuhan sa kanilang ginagawang pangga-gago.
Ayon kay Ruffy, basta tama ang deklarasyon ng mga shipment, may import permit at hindi gagawa ng magik para dayain ang gobierno sa pamamagitan ng pagbabayad ng buwis ay gaganda aniya at lalakas ang ekonomiya ng Philippines my Philippines..
Bida ni Biazon, last time ay may nagtangkang magpalusot ng mga segunda manong mga gulong, mga piston at oil filters lahat ito ay minali ang deklarasyon kaya hayun huli ng mga tauhan ni Mimel Talusan, hepe ng scanning at x-ray division ng BOC.
‘ano ang nangyari sa mga nahuli ?’ tanong ng kuwagong nabukulan.
‘sasampahan ng kaso sa DOJ !;
Buti nga !
Abangan.
International community watching sa DOTC-LTO bidding
‘DISQUALIFIED,’ ang hatol ni DOTC undersecretary, Jose Perpetuo Lotilla, sa Digitext Asia et al, ang nanalong lowest bidder sa multi-billion worth of LTO computerization program project kaya naman dapat ng kalampagin ang Malacanang sa nangyari.
Nilampaso ng lowest bidder ang dalawa pang ‘pre-qualified bidders,’ dahil ang Digitext Asia ay nag-alok ng P3.8 billion bid price para sa P8.2 billion approved budget ng gobierno ni P. Noy ang dalawang kumpanyang may mataas na bid ay natulala sa nangyaring pasubasta dahil hindi nila akalin ang lowest bidder ay mag-papasok ng ganitong kababang bid price nakatipid ng P4.4 billion kaya naman malaki ang natipid ng madlang pinoy dito.
Si Lotilla, ang chairman ng DOTC-BAC sa tulong ng DOTC - Technical Working Group ay bumusisi sa merits at qualifications ng alok ng mga company na sumali sa DOTC - LTO bidding last Nobyembre 26, 2012.
Ang reason ni rason este mali Lotilla pala kaya ibinasura ang Digitext Asia ay wala raw kasing Mayor’s permit ang kumpanyang nanalo kaya dinis-qualified nila.
Naku ha, sasali ka ba naman sa multi-billion project ng walang Mayor’s permit ang kumpanya ? Hehehe !
Sabi nga, mababaw ang dahilan mo Lotilla.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nalaman daw ni P. Noy ang ginawa ni Lotilla kaya naman may busisiin blues dyan sa DOTC.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ilalim ng RA 9184 (Government Procurement Law), ang mayor’s permit at iba pang ‘documentary requirements’ ay hinahanap at kinukumpirma ng BAC-TWG, bago simulan ang bidding.
Sabi nga, kung wala nito, hindi ka na papayagan pumalaot sa bidding process.
Ang siste ng DOTC, “pinapasok†sa bidding ang Digitext, nakapasa siya sa mga “pre-bidding qualification requirementsâ€
Ayon pa rin sa RA 9184, 15-araw lang matapos ang bidding, dapat pormal nang idineklara ng BAC ni Lotilla ang ‘panalo’ ng Digitext. Ang problema tumagal pa ng halos 2-buwan at last Pebrero 7, 2013, nga ay inanunsiyo ni Lotilla ay “disqualified†ang lowest bidder !
Abangan.
- Latest