Trabaho para sa mga kabataan ngayong bakasyon
NALALAPIT na naman ang bakasyon sa klase at libu-libo na namang kabataan ang nakatakdang makinabang sa Special Program for Employment of Students (SPES).
Isinasaad ng SPES law na ang mga kabataang 15 hanggang 25 anyos (kasalukuyang istudyante o naging out-of-school youth pero nais pang mag-aral) ay binibigyan ng pagkakataong magtrabaho sa mga pribadong kompanya at mga lokal na pamahalaan sa panahon ng bakasyon sa klase, partikular tuwing semestral break, at summer at Christmas vacation.
Sila ay tatanggap ng suweldong hindi bababa sa minimum wage kung saan 60 porsiyento ng suweldo ay matatanggap nila nang cash habang ang 40% ay sa porma ng “education vouchers†na magagamit na pambayad sa tuition fees at iba pang gastusin sa paaralan.
Pangunahing isinulong ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang ibayong pagpapa-lakas ng nasabing programa sa ilalim ng naging Republic Act (R.A.) No. 9547 (amended SPES law).
Ayon kay Jinggoy, sa pamamagitan ng naturang amendatory law ay ginawang mas magaan ang mga requirement upang makalahok sa programa ang mga kabataan, pribadong kumpaniya at mga lokal na pamahalaan; dinagdagan din ang pagtitiyak na babalik sa iskuwela at magpapatuloy sa pag-aaral ang mga kabataan pagkatapos ng kanilang temporary employment; itinakda ang pagbibigay ng mataas na “academic credits†sa mga papasok sa trabahong related sa kanilang kurso; at ginarantiya rin ang dagdag na pondong ilalaan ng pamahalaan sa programa.
Malaking ayuda ang SPES sa “poor but deserving students†upang makalikom sila ng perang magagamit nila sa pag-aaral. Bukod dito, nakatutulong din ang pro-
grama upang magkaroon ng inisyal na aktuwal na kaalaman at karanasan ang mga istudyante sa trabahong poÂsible nilang pasukan sa pag-graduate nila. Sa pamamagitan din nito ay maagang nadi-develop sa mga kabataan ang “love for work†at “proper attitude toward work and co-workers†na kakailanganin nila upang umunÂlad sa kanilang magiging propesyon sa hinaharap.
- Latest