Pagpupugay sa kababaihan
TUWING Marso 8 inoobserba ang International Women’s Day. Ang tema ngayong 2013 ay “A promise is a promise: Time for action to end violence against women!†Kaugnay nito, napagkuwentuhan namin ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang mga hakbangin upang mawakasan ang karahasan at diskriminasyon laban sa kababaihan.
Isa sa kanyang isinusulong hinggil dito ay ang Senate Bill 429 (Expanding the Prohibited Acts of Discrimination Against Women on Account of Sex, Gender, Age, Race, Ethnic Origin, Religion or Beliefs, Disability or other status). Layon ng panukala na idagdag sa nakatala sa Labor Code na mga diskriminasyon at iligal na gawain ang: pagbibigay ng prayoridad sa lalaki sa trabahong kaya rin namang gawin ng babae, gayundin sa promosyon, assignment, study and scholarship grants at training opportunities; mas mababang pasahod sa babae sa parehong trabaho; pagturing sa kanila bilang una sa puwedeng i-dismiss o i-retrench; at pagtanggal sa kanila sa trabaho kapag sila ay nag-asawa o nanganak.
Una rito, naging batas (Republic Act 10151) ang isinulong din ni Jinggoy na pagbabawal sa mga kababaihan na magtrabaho sa gabi. Ayon kay Jinggoy, “Nakatadhana sa Saligang Batas, partikular sa Section 14, Article II ang fundamental equality between women and men, recognizing the women’s role in nation building. Ito ay lalong pinatibay ng United Nations Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women na niratipikahan ng ating pamahalaan. The human rights of women are inalienable, integral and indivi-sible part of universal human rights. The equal participation of women in political, civil, economic, social and cultural life and the eradication of all forms of discrimination on the basis of sex are priority objectives of the international community. We need to ensure that enabling mechanisms are created to fulfill this equality.â€
- Latest