^

PSN Opinyon

CPNP Purisima, pinasigla ang pulisya vs. kriminalidad

ORA MISMO - Butch M. Quejada - The Philippine Star

MABILIS pa sa alas - kuwatro ngayon rumesponde ang Philippine National Police hindi lamang sa Metro-Manila kundi sa Philippines my Philippines laban sa lahat ng uri ng krimen

Sabi nga, sa utos ni Chief PNP Allan Purisima!

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may pinaiiral si CPNP  Purisima na ‘police visibility’ kaya naman ang pulisya ngayon ay very busy sa pagpapatrolya at hindi na sila pakaang-kaang o patulug-tulog.

Sabi nga, hyper na sila ngayon. Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga karnap na vehicles ay mabilis ngayon ibinabalik sa mga may-ari ng sasakyan tulad ng ginagawa ng pulisya sa MPD.

May pitong kamoteng kung tawagin ay mga ‘pekedores’ ng pera ang inaresto ng mga tauhan ng Pasay City Police Force.

Kinalawit naman ng pulisya sa Kyusi ang grupo ng ‘illegal towing’ na bumibiktima sa halos hindi na mabilang na mga truck driver sa nasabing lugar.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tinira ng PNP-CIDG ang isang alyas Apeng Sy, financer ng pinakamalaking horse racing bookies sa Manila kaya naman hilong - talilong ang financer ng illegal na sugal.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, patuloy ang operasyon ng PNP laban sa street crimes at ang lahat ng ito ay sa utos ni Purisima kaya naman natutuwa si CPNP sa kanyang mga kabaro at nagsabing... Keep up the good work men!

Biazon sinubukan sa P10 million rice smuggler huli!

NAGULANTANG ang mga smuggler kay BOC Commissioner Ruffy Biazon dahil hindi nila akalain ang kanilang ipupuslit na dalawang 20 footer vans sana na naglalaman ng saku-sakong imported rice from Taiwan ay nasilat kaya naman naglaho parang bula ang kanilang P10 million capitalization.

Sabi nga, HULI!

Buti nga.

Dahil sa pagkakahuli ng epektos na ito siempre naglulundagan sa tuwa ang mga rice farmer.

Sabi nga, thank you, Lord!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naka-consigned sa Cebu based rice importers na ARFG Trading and Cargo Facilities Services at JBD Trading, kapwa sa Mandaue City ito at sinasabing naglalaman lamang daw ito ng wall insulator slabs.

Kaya naman palakpakan dito ang mga farmer kasi dalawa na naman rice dealer ang makakasuhan at mawawalan ng BOC accreditation.

Buti nga!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, talagang gustong hamunin ng mga smuggler ng bigas si Ruffy kaya naman sa kahit na anuman paraan at istilo ay sinusubukan nila pero ang problema ay imbes na makalusot huli ang mga ito at kaso pa ang kinahaharap.

Abangan.

 

ALLAN PURISIMA

APENG SY

AYON

BUTI

COMMISSIONER RUFFY BIAZON

MANDAUE CITY

NAMAN

PASAY CITY POLICE FORCE

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with