Tukso sa eleksiyon, layuan mo ako!
PUMASOK na naman tayong mga Kristiyano sa panahon ng Kuwaresma. Apatnapung araw ng paghahanda sa kapistahan ng Muling Pagkabuhay ni Hesus. Kaya ito ang panahon ng pagsisisi sa mga nagawa nating kasalanan. Muli tayong magbagumbuhay at sumampalataya sa Mabuting Balita. “Remember man you are dust and to dust you will returnâ€.
Sa mga pagbasa ay ipinababatid sa atin ang pagpapahayag ng pananampalataya ng bayang hinirang at pananalig kay Hesus. “Poon ko, ako’y samahan sa dusa at kahirapan.†Ang panahon ng Kuwaresma na paalaala sa atin ng lubos na pananalig at pakikinig sa Salita ng Panginoon. Muli nating isapuso ang mga pangako natin noong tayo ay binyagan talikdan ang kasalanan, paglabanan ang tukso at pag-ibayuhin ang pananampalataya sa Diyos.
Tularan natin si Hesus na pinaglabanan ang mga tukso sa panahon ng kanyang pag-aayuno, pagsasakripisyo at lubusang paghahanda ng Kanyang misyon dito sa lupa. Masasabi natin ngayon na ang pinaka-malaking tukso sa ating mga Pilipino sapagka’t nalalapit na naman ang eleksiyon. Narito na naman ang diyablo: “Iboto ninyo ako at hindi kayo magugutom. Tanggapin ninyo ang mga pera na ibibigay para siguraduhin ninyo ang pagboto sa akin at bibigyan kayo nang maraming trabaho pag ako’y inyong ipanaloâ€.
Tularan natin si Hesus na ang kabutihan ng pinuno ay hindi lamang pagbibigay ng pagkain kundi ang malinis na paggawa at kasipagan upang matamo ang maayos na kabuhayan ng bawa’t pamilya. Kung hindi natin pag-iisipang mabuti at pag-aaralan ang mga plano ng mga kandidato ay baka tayo ay mabulid na naman sa tukso nang mara-ming demonyo sa darating na eleksiyon. Magdasal tayo tuwina at humingi ng liwanag sa Espiritung Banal upang ihalal natin ang tunay na magpapaunlad sa ating bayan.
Dt26:4-10; Salmo90; Rom10:8-13 at Lk4:1-13
* * *
Maligayang pista sa Bgy. 56 Aglipay St., Caloocan City. Salamat sa inyong paanyaya ng Banal na Misa. Pagpalain kayo ng Panginoon sa tulong ng panalangin ni San Roque.
- Latest