^

PSN Opinyon

Pambababae at Dopamine hormones

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MAY mga nagsasabi na halos 20% hanggang 50% ng mga kalalakihang Pinoy ay nagkakaroon ng extra-ma-rital affair, o yung may iba pang babae bukod sa asawa. Wala akong tiyak na datos pero alam kong marami ang may ganitong karanasan.

Minsan din naman ay ang babae ang nahuhuling kumakaliwa. Ano kaya ang dahilan nito? Sa ating mambabasa, may medikal pong paliwanag kung bakit nagha-hanap ng ibang partner ang isang tao.

Dopamine: Ang kemikal ng pag-ibig

Kapag umiibig ang isang tao, may isang nakaka-kilig na hormone (kemikal) na inilalabas ng kanilang katawan. Ito ay ang Dopamine.

Ang Dopamine ang dahilan kung bakit kumakabog ang ating dibdib kapag nakikita natin ang ating “crush.” Ibang-iba ang pakiramdam ng mga taong “in-love.” Hindi sila makatulog, para silang lumilipad sa ere kapag nag­lalakad, tumatawang mag-isa, at paulit-ulit na iniisip ang kanilang minamahal.

Ang pagbaba ng Dopamine:

Kung tutuusin, maituturing na natural na “drugs” ang dopamine. Nakaka-high ito at hinahanap-hanap ng katawan. Ngunit pagkatapos ng 9 na buwan hanggang sa 3 taon ay unti-unti nang bumababa ang Dopamine sa ating katawan.

Kapag magkasama na kayo ng 1 taon, ay unti-unting nababawasan na ang pagkakilig. Hindi na gaanong kumakabog ang iyong dibdib kapag nakikita mo siya. Pagkaraan ng 3 taon ay nagsasawa ka nang makita siya. Sabi nga ng iba, “Gusto ko na siyang sermonan at sigawan, imbes na halikan.”

Dahil dito, marami ang nawawala sa pag-ibig (falling out of love) at dito nagsisimula ang temptasyon. Kapag may nakitang bagong babae si Mister (o ibang lalaki si Misis), tataas ulit ang kanilang Dopamine sa katawan. Magiging “high” ulit sila.

Ngayon, alam na natin na ang Dopamine ang dahilan kung bakit may mga cele­brities na papalit-palit ng partner bawat taon. Kapag nagsawa na sa isa (bumaba na ang dopamine), hahanap na ng iba.

Alam ko pong masama iyan at nakasisira pa ng pa­milya. Kaya sa susunod, ipapakita natin ang mga paraan kung paano pana­natilihing mataas ang Dopamine (na hindi na kaila-ngang maghanap ng ibang partner).  Abangan!

ABANGAN

ALAM

ANG DOPAMINE

ANO

DAHIL

DOPAMINE

IBANG

KAPAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with