Angkop na paggamit ng mga lupain ng bansa
KAILANGANG maging angkop ang paggamit ng bawat bahagi ng lupain ng bansa, ayon kay Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, isa sa nag-akda ng panukalang National Land Use Act of the Philippines (Senate Bill 3091).
Alinsunod sa hakbangin, isusulong ng pamahalaan ang “rational, holistic, and just allocation, utilization, management, and development of the country’s land to ensure their optimum use, consistent with the principle of sustainable development. Toward this end, the State shall institutionalize land use and physical planning as mechanisms for identifying, determining, and evaluating appropriate land use and allocation patterns…â€
Para rito ay magbabalangkas at magpapatupad ng ComÂpÂrehensive Land Use Plan (CLUP) na pangunahing magsasaalang-alang ng sustainable development; environmental integrity and stability; food, water and energy sufficiency; settlements and economic development; disaster risk-reduction and climate change resiliency; at iba pang batayang adhikain.
Ang CLUP ang magsisilbing gabay sa pagtukoy at pagpapahintulot ng partikular na gamit ng bawat lupain kung ito ba ay para sa: natural resources area; forests and watershed; agricultural lands; settlements, residential and/or commercial area; transportation and infrastructure development zone; ancestral domain ng Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICCs/IPs); historical and cultural heritage; tourism sites; minerals and energy deveÂlopment; at iba pa.
Isinasaad ng panukala na tungkulin ng pambansa at mga lokal na pamahalaan na tiyakin ang pagsunod sa nasabing land use plan at ang kaukulang pangangalaga sa bawat lupain, katuwang ang iba’t ibang mga organisasyon at sektor.
Malawak at mayaman ang lupain ng Pilipinas. Gayunman, kailangang maging angkop ang paggamit ng bawat bahagi nito at dapat itong nakabatay sa komprehensibo at malawakang plano upang matiyak ang balanseng pagtugon sa mga pangangailangan ng bawat sektor at ng buong bansa.
- Latest
- Trending