“Halimuyak ni Puring”
KAPAG ikaw ay nakisawsaw sa hindi mo gulo huwag kang magugulat kapag ikaw ay nalublob sa putik dahil ito’y iyong ginusto.
Nagsadya sa aming tanggapan si Purificacion â€Puring†Layug, 54 anyos ng Bagong Silang, Caloocan.
Galit siya sa kanyang kapitbahay na si Leopoldo “Poldo†Herrera. Sinira daw nito ang kanyang buong pagkatao at sinabihan ng salitang hindi niya matanggap.
“Ayaw na sa’yo ng asawa mo dahil mabaho daw ang p%#I mo!â€, sabi umano ni Poldo.
Isang katagang tumatak sa isip ni Puring. Tuwing gabi daw ay naiisip niya ito, hindi siya makatulog at gustong makaganti.
Nung una ay maayos ang pagkakaibigan ni Puring at Poldo. Si Poldo pa nga ang nagreto sa kanyang bayaw na si Jesus “Jes†Dulot para makarelasyon ni Puring.
Malas daw sa pag-ibig si Puring. Dalawa na ang napangasawa niya at lahat ay hiwalay ang una ay si Rodolfo na nadiskubre niyang may una palang asawa. Ang pangalawa ay si Abelardo na hindi daw sila kayang buhayin kaya niya iniwanan.
Hinangad niya na sana si Jes na ang huli. Mabait daw si Jes at inaalagaan ang mga anak ni Puring sa unang asawa. Kapag daw naglalaro ng tong-its si Puring ay nagdadala pa daw si Jes ng mga pagkain.
Naalala pa ni Puring, araw ng undas noon namili sila ng bulaklak. Nakaramdam sila ng init ng katawan. Dumiretso sila sa motel.
Mula noon hindi na sila naghiwalay. Sa maliit na kwarto ng nanay ni Puring sila tumira ni Jes. Labing anim na taon silang nagsama..
Tulad ng ibang mag-asawa dumating sa punto na madalas hindi sila magkaintindihan. Isang taon daw na walang trabaho si Jes at umeekstra lang sa pagkakarpintero. Si Puring naman ay minaster ang pagnenegosyo ng sampaguita. Nagbabayad siya ng siyam na piso para sa isang daang piraso na itutuhog.
Tinuruan ni Puring na magtinda na lang ng sampaguita si Jes dahil bukod sa walang amo, maaga pang makakauwi.
Natoka kay Jes ang pwesto ng mga jeep. Nung una ay ayos lang ang lahat ngunit napansin na lamang ni Puring na hindi daw binibigay ni Jes ang tubo. Nasa halagang Php1,200 daw ang nawawala kay Puring sa tuwing si Jes ang maglalako.
Pinang-iinom daw nito ang kinikita. Naging mainitin din daw ang ulo ni Jes.
“Magtanong lang nakasinghal agad. Kapag pagod ka tapos nakasimangot madadatnan mo sa bahay nakakayamot lang kaya madalas kami mag-awayâ€, wika ni Puring.
Wala din daw siyang maasahan kay Jes. Hindi daw nagkukusa na tulungan siya sa mga gawaing bahay lalo na kapag pagod si Puring sa trabaho. Pakiramdam daw niya sa kanya lahat iniaasa ang problema sa bahay.
Ika- 26 ng Setyembre 2012, alas 8:00 ng gabi madaming beses daw niyaya ni Puring ang mister para kumain. Nagbibingibingihan daw ito at walang kibo.
Hinayaan lang niya ito nung una. Makalipas ang dalawang araw tuluyan ng hindi umuwi si Jes. Si Puring na ang nagtinda ng sampaguita ni Jes hanggang maubos niya ang sandamukal na bulaklak. Aminado si Puring na nabubungangaan niya si Jes. Ito marahil ang dahilan kung bakit narindi at lumayas ang mister.
Mas lumala ang alitan ni Puring at Jes ng dahil lang sa binti ng manok.
Ika- 10 ng Oktubre, galing sa pangangalakal ng basura si Puring. Pagdaan niya sa may videohan bandang 7:30 ng gabi nakita niya ang kanyang anak na si John Paul. “Anak gabi na bakit hindi ka pa umuuwi? Pinakain ka na ba ng tatay mo� tanong ni Puring.
“Hindi pa poâ€, sabi ng kanyang anak habang hawak ang isang plastik na may lamang maliit na binti ng manok. Napikon itong si Puring. Pinasauli niya sa anak ang ulam para daw mapahiya ang ama nito sa kakarampot na ibinigay.
Pinakain na lang ni Puring ang anak. Pinuntahan nito si Jes kung saan ito tumutuloy at sinabing, “Hataw ka Jes! Maliit na binti ng manok ni hindi mo manlang tinernuhan ng limang pisong kanin. Sa pang alak todo ka pero sa kanin wala!â€, pintas ni Puring.
Hindi daw siya pinansin ni Jes at pumasok lang sa loob. Nung mga oras na yun sakto namang nagsasarado ng tindahan si Poldo.
Bigla daw itong nagsalita, “Ayaw na sa’yo ng asawa mo dahil mabaho daw ang p%#I moâ€, pang-aasar daw ni Poldo.
Sumagot si Puring, “Paano mo nalaman na mabaho. Yang nireto mo sa akin akala mo mabait sa umpisa lang pala!†sabi ni Puring.
Habang pauwi daw si Puring nangangatog siya sa gigil dahil napahiya siya sa sinabi ni Poldo. Hindi daw niya matanggap sa sarili na sinabihan siya ng ganong klaseng kasakit na salita.
Nagsumbong siya sa kanyang ina na si Victoria at kinumpronta si Jes kung may sinabi bang mabaho ang kay Puring. Itinanggi ito ni Jes dahil hindi daw niya yun magagawa. Pinaringgan ni Victoria si Poldo at sinabing, “Hoy! Poldo Kalalaki mong tao bastos kang magsalita!â€,
Mula daw noon natapos na ang relasyon nila ni Jes. Ang gusto ni Puring ay mapayuhan siya sa ginawang pangbabastos ni Poldo sa kanya. Madaming beses na daw niyang pilit na kinakalimutan ngunit tila naririnig niya pa rin ito sa tuwing maalala niya.
Nais malaman ni Puring kung meron bang batas na para sa ginawa sa kanya ni Poldo at para daw maturuan ng leksyon ito.
Itinampok namin sa CALVENTO FILES sa radyo ang “Hustisya Para sa Lahat†sa DWIZ 882 Khz (tuwing 3:00 – 4:00 ng hapon).
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, maaring biro lamang ang lahat para kay Poldo ngunit kapag ang isang kataga o ang binitiwang salita ay masyado ng masakit dahil ito’y matalas at nakakasugat sa taong pinagsabihan nito ay may kasong katapat yan.
“SLANDER†(Oral Defamation) o paninirang puri ang tawag sa kasong ito.
Nabanggit ni Puring sa amin na mahilig siyang magpalipas oras sa paglalaro ng bingo o paunti-untng pagsusugal para daw malibang siya. Ito marahil ang isa sa dahilan kung bakit lagi silang nag-aaway ni Jes.
Tungkol naman sa kanilang anak dapat ay sustentuhan ito ni Jes upang hindi na sila umabot sa panibagong kasuhan. Pinayuhan namin si Puring na ngayon ay alam na niya ang dapat ikaso mas mainam pa din na makipag usap na lamang siya kay Poldo ng sa gayon ay hindi na lumala pa ang kanilang alitan.
Sa iyo Poldo, kung totoo nga ang sumbong sa amin ni Puring dapat ay piliin mo din ang mga taong pagsasalitaan mo. Kung ang misis mo ba ang sabihan ng ganong uri ng salita ng ibang lalaki hindi ba’t magpapanting din ang tenga mo at makipag away ka pa? (KINALAP NI AICEL BONCAY) Sa mga gustong dumulog ang aming mga numero, 09213263166, 09213784392, 09198972854. Ang landline 6387285 at ang 24/7 hotline 7104038 o magpunta sa 5th floor CiÂtyState Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.
Nais namin pasalamatan ang ‘Eye Specialist’ na si Dr. Robert Uy at ang kanyang mga assistant na sina Karen Arevalo at Sheryl Serdon ng Perfect Sight. Ang kanilang clinic ay matatagpuan sa Room 401 ng 4th floor ng UST Hospital, Manila Eye Specialists sa Lacson St. España at ang Perfect Sight sa 3/F Northlink Bldg. SM North EDSA. Maraming salamat sa inyong tulong galing sa akin at sa aming Senior Staff na si Aicel Boncay.
Follow us on twitter: Email: [email protected]
- Latest