^

PSN Opinyon

Auring, goodbye!!!

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

PASALAMATAN dapat sa pamamagitan ng dasal si Lord dahil hindi nagdulot ng pinsala sa ilang probinsiya ang bagyong Auring.

Sabi nga, thank you Lord!

Alam naman at naranasan ng madlang people ang mga hagupit ng mga bagyong dumaan sa Philippines my Philippines last 2012 hindi ito  biro maraming pinoy ang  namatay at billion of pesos ang halagang pinsala sa mga ari-arian.

Naranasan din ng madlang people ang hirap ng mga naging biktima ng mga bagyong tumama sa iba’t ibang lugar sa Philippines my Philippines.

Kaya nga ng pumasok ang bagyong Auring sa Philippines my Philippines alam ng mga kuwago ng ORA MISMO, na mapanganib ito.

Pasalamatan natin si Lord sa mga pasahero ng barko na lumubog sa may karagatan ng Dumaguete dahil naligtas ang mga ito sa kapahamakan.

Sabi nga, God Bless! Mwuah.

Amen!

Bro. Dennis Rallosa

BINABATI ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Kuyang Dennis Rallosa dahil birthday nito tomorrow Sunday kaya naman hindi ito dapat kalimutan ng mga Brethren na malapit sa kanya from The Free and Accepted Masons of the Philippines my Philippines ang kanyang kaarawan.

Isang simple pero magarbo ang bday party ni Kuyang Dennis kaya sa mga pupunta sa Barangay Hall covered court, Barangay Nagkaisang Nayon dyan sa Novaliches ito gagawin at around 6 pm.

Kaya mga Kuyang punta na tayo don’t forget ang fellowship tom.

Kuyang Dennis, Happy Birthday!

QCPD, bakit

HINDI biro ang nasaksihan ng madlang people last year ng pag-agawan ng iilang pulis ang mga paputok na dapat sanang sunugin pero binitbit ng ilan sa mga ito.

Ang masama imbes na ang mga paputok ang sumabog ang mga pulis na nakita sa television camera ang pinutukan dahil kasong administratibo ang haharapin nila sa ngayon.

Naaawa tayo sa mga naapektuhan na sasapitin nila pero alam naman natin na may batas silang sinusunod.

Sabi nga, buntot mo hila mo!

Ang malaking problema dito mukhang hindi napigilan ito ng kanilang bossing para tuloy walang respeto sa kanila ng makita ang kanilang ugali.

Abangan.

Jueteng, sakla, monte sa Baguio at La Trinidad

MUKHANG hindi yata alam ni Mayor Abalos na grabe ang pasugal ni Karate Kid dyan sa La Trinidad kaya naman ‘happy’ ang mga nagpapasugal dito?

Sa Baguio ang jueteng operation ni Luding ay patuloy na namamayagpag kaya ‘happy’ ang grupo nila sa laki ng salaping pumapasok sa kanilang mga bulsa.

Ang PNP ay nagbubulag-bulagan tungkol dito kaya aabangan ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang magiging aksyon ng pamunuan ng kapulisan.

Abangan.

ABANGAN

AURING

BARANGAY HALL

BARANGAY NAGKAISANG NAYON

KUYANG DENNIS

LA TRINIDAD

PHILIPPINES

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with