^

PSN Opinyon

Happy New Year!

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

Sa lahat nang matapat na sumusubaybay sa REPORT CARD, binabati ko kayo ng isang masaganang Bagong Taon – masaganang buhay, trabaho, kalusugan at suwerte­ sa lahat.

Ang Top 6 news nitong nakaraang 2012 ay ang sumusunod: (1) Impeachment ni Chief Justice Renato Corona; (2) ang pagsakop ng China sa West Philippine Sea; (3) ang pagpirma ng framework peace agreement sa MILF; (4) approval ng RH bill; (5) pagkamatay ni DILG Sec. Jesse Robredo; at (6) pagka-knockout kay Manny Paquiao ni  Juan Manuel Marquez.

Ang pinakamalaking news naman nitong pagbukas ng 2013 ay ang pag-amin ng mismong Presidential Commission on Good Government (PCGG) na panahon na upang ito’y buwagin dahil hindi na epektibo sa mando nitong maghabol ng mga nakaw na yaman.

Ang pangunahing target ng PCGG ay ang kayamanang tinangay daw ng Marcos family. Subalit ngayong mga 26 years na ang tinagal ng kanilang misyon ay wala pa sa kalahati sa inaakalang $10 billion na yaman ang nababawi ng PCGG.

Siempre, madaling isisi ang kakulangan ng tagumpay sa magagaling daw na legal team ng mga Marcos. Tinutukoy din ng PCGG ang mismong mga nakaraang naka­puwesto sa ahensya na nagpayaman imbes na gampanan ang trabaho (siguradong kontrobersiyal ang statement ni PCGG Chairman Andy Bautista – lahat ng naging opisyal ng PCGG bago siya ay mapagsususpetsahang “naka­usap”). Maari rin namang mahina lang talaga ang nakalap na ebidensiya.

Pero ang katotohanan ay kung nais pa rin ipagpatuloy ng gobyerno ang mando ng PCGG, kailangan nitong gumastos ng baka mahigit pa sa kikitaing pera. Hindi madali magpakatotoo sa ganitong sitwasyon – aakusahan ka pang umaatras sa laban. Kaya kahanga hanga ang deklarasyon ni Chairman Bautista. May mga pagkakataon kung kailan kailangang tanggapin ang katotohanan, gaano man kasakit dahil mas matatalo ka pa kung ipilit. Kung hindi na rin naman gagastusan ng gobyerno ang PCGG, sangayon tayo kay Chairman Bautista na panahon nang buwagin ito at ibalik ang mga kaso sa Department of Justice.

 

ANG TOP

BAGONG TAON

CHAIRMAN ANDY BAUTISTA

CHAIRMAN BAUTISTA

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DEPARTMENT OF JUSTICE

GOOD GOVERNMENT

JESSE ROBREDO

JUAN MANUEL MARQUEZ

PCGG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with