^

PSN Opinyon

Biazon huwag mong tulugan

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MULING nagkamot ng ulo ang mga smuggler ng masungkit ang palusot nitong P1.6 million worth ng plywood kaya naman nganga ulit ang mga kamote ng mahuli.

Sabi nga, crying like a cow!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung noon may pelikulang ‘Ghostbuster’ ngayon sa Bureau of Customs sa ilalim ng pamumuno ni BOC Commissioner Ruffy Biazon ay may ‘smuggler buster’ ang bureau at laban sa lahat ang ginagawa nilang pagsugpo dito.

Sabi nga, mapa-illegal drugs, gun smuggling, rice at sugar smuggling, car smuggling, gulay smuggling, mga pekeng imported product na pinupuslit at ngayon nga ay kahoy smuggling naman ang kanilang binira.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang plywood smuggling ay from China minali ang deklarasyon nito para makaiwas sa tamang pagbabayad ng buwis kaso naamoy ng mga alipores ni Ruffy ang operasyon kaya timbog.

Buti nga!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa 2013 dapat ang unang busisiin ni Ruffy ay yong mga tauhan niyang bugok na may pensing cases sa korte para kung mapapatunayan nagkasala ay masibak na sa bureau.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ngayon itinutuwid na ang daan ni P. Noy sa gobierno kaya dapat kalkalin na rin ni Ruffy ang mga kamoteng may case problem sa Customs.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isa sa mga mahalagang dapat buhayin ni Ruffy ay ang pagkawala ng daan-daan container na may multi-billion piso ang halaga hindi birong halaga rin ang nawala sa gobierno ni P. Noy ng mailabas ito sa iba’t ibang bodega ng mga smuggler.

Kaya nga nasipa dito si dating BOC Commissioner Lito Alvarez na pinalitan mo Ruffy.

Sabi nga, huwag mong tulugan ang nangyaring pangu­ngurakot at ipakulong mo ang mga nagsabwatan.

 Kambiyo issue, ito nga palang plywood smuggling ay from Shandong, China  sa Manila International Container Port ito natimbog.

Naka-consigned ito Dragon Clash Enterprises, idineklara bilang particle board para makaiwas sa pagbabayad ng tamang buwis.

‘Tiyak sa pagkahuli ng kahoy smuggling ay makakasuhan ang mga nagsabwatan dito.’ Sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Abangan.

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER LITO ALVAREZ

COMMISSIONER RUFFY BIAZON

DRAGON CLASH ENTERPRISES

MANILA INTERNATIONAL CONTAINER PORT

RUFFY

SABI

SMUGGLING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with