^

PSN Opinyon

Sulat

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAGPADALA ng sulat sa akin ang mga empleyado ng Philippine Orthopedic Center at ito ang nilalaman: “Nais po naming itanong kung alam ninyo ang mga pinaggagawa ng paring nakatalaga bilang chaplain ng Philippine Orthopedic Center na si Arnold Abelardo, tulad ng napakagaling niyang pangangalap ng pondo para sa mga proyektong pinalalabas niyang para sa kapakanan ng mga pasyente ng ospital; katulad ng kasalukuyang proyekto niyang “healing garden” daw. Ang nasabing proyekto ay naihingi niya ng pondong kalahating milyon mula sa Philippine Gaming Corporation (Pagcor) at may nakalaan ding budget sa ospital na kaparehong halaga.

“Ang tanong ay bakit kailangang magpagawa ng napa-kamahal na hardin na hindi naman magiging kapaki-pakinabang sa mga pasyente dahil hindi lahat ng pasyente na may nararamdaman ay magpupunta sa kanyang hardin? Gamot at doctor ang kanilang hahanapin. Bakit kailangan pang gumawa ng bagong garden samantalang mayroon da-ting garden na matagal ng napapabayaan at ngayon ay totally ng sinira para sa bagong ginawa? Sana ay inayos na lang ang dating garden doon para makatipid sa budget. Bakit kailangan sumang-ayon ang ospital at pati na rin ang Pagcor na maglaan ng gayong kalaking halaga para sa isang garden samantalang mas maraming importanteng bagay na puwedeng paglaanan ng nasabing halaga tulad ng mga pangunahing pangangailangan ng mga pasyente mahihirap o benepisyo ng mga nagdadahop na empleyado na hindi naibibigay.

“Sa kasalukuyan ay may mga umiikot na sulat sa loob ng ospital ng kanyang pangangalap ng donasyon para sa nabanggit na proyekto. Kapag ang nasabing proyekto at natapos na ito’y karagdagang dahilan na naman ang kayabangan. At ang dating chapel ng ospital ay ginawa niyang isang “living quarters” para sa kanyang “ volunteers” daw. Ito’y mga kabataan mula sa Visayas-Ormoc, Tacloban, etc. Karamihan nito ay mga kababaihan. Ang iba ay mga college graduate na nagre-review para sa boards at ang iba naman estudyante at ang iba ay naghahanap ng trabaho. May mga ilan na din naman sa ka­ nila ang naipasok na niya ng trabaho rito sa ospital at marami na ang naipasok niya sa RN Heals program. Ang hindi katanggap-tanggap dito ay ang kan­yang “volunteers” na naka­tira ng libre sa fully aircondition quarters, may te­levision, com­pu­ ters at refrigerator. Sa­man­talang ang mga le­hitimong empleyado ng ospital na tumutuloy sa dormitory ng ospital ay nagbaba-yad kada buwan para sa tubig at kuryente na wa­lang aircon. Kahit ang mga batang may kapansanan na nag-aaral sa pa­ aralan sa loob ng ospital ay nagbabayad ng kanilang tirahan. Ba­kit ang mga “volunteers” ng pari ay nag-eenjoy ng everything free?” 

Abangan!

ARNOLD ABELARDO

BAKIT

OSPITAL

PAGCOR

PARA

PHILIPPINE GAMING CORPORATION

PHILIPPINE ORTHOPEDIC CENTER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with