^

PSN Opinyon

‘Napaka-suwerte’ko naman talaga

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ARAW-ARAW nananalo ako nang mga $500 milyon hanggang $2 bilyon (P20 bilyon-P80 bilyon) sa e-mail at cell phone text mula sa kung anu-anong contest na hindi ko naman sinalihan o sinu-sinong tao na hindi ko naman kilala. Ako na dapat ang pinaka-mayamang tao sa buong mundo ngayon at sa kasaysayan. Pero hindi ko pinapatulan ang mga e-mail at text. Kasi kung gawin ko ‘yon, mamumulubi ako.

Bakit, kamo? Ang mga e-mail at text na ’yan ay puro scam. Inaakit nila ang pagka-ganid ng tao sa kayamanan — upang magantso ito na isuko ang ari-arian.

Karamihan ng scams ay magsasabing nabunot ang e-mail address o pangalan ko sa pa-contest nang ma­laking kompanya o gobyerno, kaya nanalo ako ng grand prize, ipagpalagay nang $100 milyon (P4 bilyon). May instructions kung papano ko makukubra ang panalo ko. Kasama rito ang pag-deposito ko ng pera, ipagpalagay nang $5,000 (P20,000), sa bank account nila. Ito’y para umandar umano ang “processing” ng premyo. Siyempre kapag nadeposito ko na ang $5,000 ko, kakaripas na sila nang tago. Wala akong matatanggap na $100 milyon -- natangayan pa ako ng pinaghirapan kong $5,000.

May variation ang scam. Ang nag-e-e-mail ay asawa umano ng isang presidente na pinabagsak sa puwesto o negosyante na pinaslang. (Ginamit pa nga noon ang pangalan ni Dra. Loi Ejercito). Hihingi ng tulong na itago namin ang yaman nila, ipagpalagay nang $100 milyon. Hihingin ang bank account at PIN (personal identification number) ko!

Duda ako sa lahat kung ang bungad ng message ay na-in-love kuno sa kaguwapuhan ko ang dalagang nagpadala. Dine-delete ko agad ’yan. Alam ko binobola lang ako. Hindi naman ako guwapo e!

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM). E-mail: [email protected]

AKO

ALAM

BAKIT

DRA

DUDA

GINAMIT

HIHINGI

HIHINGIN

INAAKIT

LOI EJERCITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with