‘Nakaw-bisikleta’
MARAMI sa ating mga Pinoy ang mas pinipiling magkaroon ng sariling sasakyan upang magamit bilang transportasyon. Para sa mga maykaya sa buhay, kotse ang pinaka-mabenta subalit kung ikaw naman ay medyo walang kakayanan bumili ng sasakyang may apat na gulong, angkop ang motorsiklo o bisikleta para sa iyo.
Makailang-ulit nang may nakakarating na sumbong sa BITAG kaugnay sa mga nanakawan ng sasakyan o motorsiklo. Karamihan sa kanila, kung hindi biktima ng carnapping, ay biktima naman ng rentangay.
Anumang uri pa ito ng sasakyan, dalawa man o apat ang gulong, brand new man o second hand, wala nang pinipiling biktimahin ang mga kawatan.
Noong nakaraang linggo lamang, nakatanggap ang BITAG ng isang e-mail mula sa aming taga-subaybay. Inirereklamo niya ang nangyaring pagnanakaw sa bisikleta ng isa sa kanyang mga kaibigan.
Narito ang bahagi ng kanyang e-mail sa BITAG:
Greetings, meron po sana ako papa-check sa inyo. last week may ka-member po kami na ginitgit, tinutukan, and inagawan ng bike sa Avida settings papuntang Paliparan Cavite last Sunday Nov. 4. later on meron po ng post… na me iniaalok sa kanya na bike na nag-match sa description ng ninakaw na bike…
Dahil may pamumuwersang naganap, maihahalin-tulad ang kaso ng pagnanakaw sa bisikleta ng kanyang kaibigan sa mga kawatang nangha-hi-jack ng mga sasakyan sa lansangan. Bagamat bisikleta lamang ang ninakaw mula sa biktima, hindi maituturing na simpleng kaso ng pagnanakaw ang ganitong modus ng gumagalang sindikato.
Dahil ang kanilang target, mga mamahaling mountain bike ng mga atleta na nagbibisikleta. Matapos nakawin, estilo ng mga dorobo na ibenta kaagad ang kanilang mga ninakaw upang mawala na sa kanilang pangangalaga.
Kaya naman babala ng BITAG sa lahat, maging simpleng tao o atletang nagmamay-ari ng bisikleta, agad na ireport at ipa-blotter sa kinauukulan ang mga kawatan sakaling makaengkuwentro ang sindikatong ito.
Ngayong malapit nang magpasko, marami sa mga kawatan ang aktibo sa lansangan at nag-aabang lamang ng susunod nilang magi-ging biktima.
* * *
Para sa inyong mga sumbong at tips tumawag sa 9325310 o 9328919 o magpadala ng text message sa 09192141624 o mag-email sa [email protected] o magsadya sa BITAG Headquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
- Latest