Di na natuto
MAY tinatayang 15,000 kababayan natin ang naloko ng pyramiding scam ng Aman Futures Group na sinimulan at pinamunuan ng isang Mohammad Suffian Saaid, na kilala rin bilang Manuel “Aman”
Paulit-ulit ang babala ng financial experts na kung ang isang pamamaraan ng pagkakakitaan ng pera ay napakadali, napakabilis ng balik ng investment at higit sa lahat ay napakalaki ang tubo, kailangang magdalawang isip na at mas maigi na umiwas sa nasabing scheme. Tiyak na panloloko lang talaga ang kahulugan ng ganung klaseng investment.
Sa simula, maayos at masuwerte ang mga naunang nag-iinvest dahil nga sila ang mga makakakuha ng paunang tubo. Tiba-tiba ang mga katulad ni Amalilio na nagsimula sa nasabing pyramiding scam.
Kawawa ang ating mga kababayan na nasa hulihan ng pyramid dahil sila ay tiyak na walang matatanggap.
‘Yon ang nangyari sa ating mga kababayan na nagpakamatay, pumatay at may pinatay na nga dahil lang sa kalokohan ng Aman.
Higit pa sa hustisya na sinisigaw para sa mga biktima kapwa ng Legacy Group at Aman Futures Group, sana pagtuunang pansin na rin ng pamahalaan ang isang tuluy-tuloy na financial education campaign para sa ating lahat at nang sa ganun ay maiwasan na ang paglago ng pyramiding scams.
At nang sa ganun ay wala nang Celso delos Angeles at Manuel Amalilio na muling makapanloko ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng pagpasok sa kanilang pain na pyramiding scam.
- Latest