Hangarin ni Pendoro
HINDI lamang disiplina sa kalsada ang itinuturo ni Jerry G. Pendoro, founder at chairman ng 1 Riders Power Team International Corp. (1RPTIC), sa kanyang mga miyembro. Dahil ang lahat ng kasapi ay tinuturuan din niyang maging isang matagumpay na ahente ng mga produktong Pinoy, una na riyan ang produkto ng 1 Goal International na kape, sabon at juicies. Kaya hindi kataka-taka na karamihan sa myembro ay nakaahon na sa kahirapan. Bagamat may ilang kasapi ang tumiwalag matapos na magkamal ng milyones at sumira sa reputasyon ng 1RPTIC, patuloy pa rin itong yumabong sa walang humpay na pagsasaliksik ni Pendoro. May regular na pa-seminar si Pendoro sa mga bagong aplikante ng net working na matatagpuan sa 4/F Lemon Square Building, EDSA, Muñoz, Quezon City. Malinaw na ang hangarin ni Pendoro ay makatulong sa mga mahihirap.
Noong nakaraang Linggo, nasaksihan ko ang demonstrasyon ng motor oil na tuklas ni DOST 2006 Awardee Ricky Punzalan. Ang 1JPower Motor Oil ay esklusibong produkto ng 1RPTIC na tiyak na papatok sa merkado sa hinaharap at ang mabibiyayaan ay mga kasapi at moto-rista. Ayon kay Punzalan ilan sa katangian ng 1JPower Motor Oil para sa gasoline at diesel products ay: 1) maximum engine protection; 2) minimizes harmful engine emission; 3) Prolong engine oil (2 to 3 times); 4) Save fuel; 5) No overheating; 6) smoother and quieter engine; 7) environmental friendly “compliance of Clean Air Act”.
Sa motor oil na ito tiyak na tatagal ang buhay ng makina ng inyong mga sasakyan at makakatipid sa gas at diesel. Nasisiguro ko na lalong lolobo ang kikitain ng mga miyembro ng 1RPTIC sa hinaharap dahil ang pagsanib puwersa nina Pendoro at Punzalan ang susi ng unemployment problem sa bansa. At ang kabutihan nito ay gawang Pinoy ang 1JPower Motor Oil kaya mas makakamura kumpara sa mga imported na langis. Kaya huwag na kayong patumpik-tumpik sa makabagong produkto ng 1RPTIC. Tangkilikin ang sariling produkto upang makatulong sa mga mahihirap na kababayan. Para higit na maunwaan maaring tawagan si Jerry G. Pendoro sa 09331501290 at 09212093336. Ang kanyang website: www.1rpt.net. E-mail: [email protected]
- Latest