^

PSN Opinyon

Editoryal -1.7-milyong Pinoys ang nagdodroga

Pilipino Star Ngayon

MARAMING Pilipino ang sugapa sa illegal na droga. Ayon sa Dangerous Drug Board (DDB) tinatayang 1.7 milyong Pinoys ang nagdodroga. Mataas ang bilang na ito kumpara sa naitala dalawang taon na ang nakararaan. Ayon sa DDB nadagdagan ng 200,000 ang mga sugapa sa droga ngayong 2012. Ayon pa rin sa DDB, taun-taon, 1,700 ang namamatay dahil sa paggamit ng bawal na droga.

Nakaaalarma ang report na ito ng DDB. Sa halip na mabawasan ang mga nalululong sa droga ay nadadagdagan pa. Ang ganitong report ay dapat makapagpagising sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Sila ang ahensiyang may responsibilidad kung paano madudurog ang sindikatong nagkakalat ng droga sa buong bansa. Sa kasalukuyan, hindi lamang sa Metro Manila laganap ang droga kundi pati na rin sa mga liblib na lugar. Maski ang mga lugar na wala pang kuryente at wala pang kalsada ay narara-ting na ng illegal na droga particular ang metham­phetamine hydrochloride o shabu. Maraming ka­bataan o maski matatanda sa liblib ang nagiging “halimaw” makaraang makasinghot ng shabu.

Isang halimbawa ay ang nangyaring pangga­gahasa at pagpatay sa UST graduate na si Cyrish Magalang sa Molino, Bacoor, Cavite dalawang linggo na ang nakararaan. Ang mga gumahasa at pumatay kay Cyrish ay magkapatid na tricycle driver. Inamin nilang gumamit sila ng shabu bago isinagawa ang karumal-dumal na krimen. Bumili lamang ng kakanin si Cyrish at ang traysikel ng magkapatid ang kanyang sinakyan. Sa halip na sa bahay ito ihatid, sa isang kubo sa gitna ng bukid ito dinala at saka ginahasa at pinatay. Pagkaraan ay kinuha pa ang mahahalagang gamit.

Noong Lunes, isang lady bank executive, ina nito at maid ang pinatay at pinagnakawan sa loob ng kanilang bahay sa Sta. Cruz, Manila. Ang pumatay ay isa umanong addict sa nasabing lugar. Nang mahuli ang killer ay tila bangag pa ito sa ipinagbabawal na gamot.

Nagtatrabaho 24/7 ang mga sindikato ng droga. Alam nilang magandang lugar ang Pilipinas para sa kanilang negosyo. Maluwag ang batas dito. Walang parusang kamatayan para sa drug trafficker. May pagkakataon pang maaaring “tapalan” ng pera ang mga alagad ng batas.

Sana magising na ang PDEA at iba pang ahensiya.

vuukle comment

ALAM

AYON

CYRISH

CYRISH MAGALANG

DROGA

DRUG BOARD

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

METRO MANILA

NOONG LUNES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with