^

PSN Opinyon

Diskuwalipikado sa SSS si misis (Unang bahagi)

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

UPANG magkaroon ng karapatan sa death benefits ng namatay na asawa na miyembro ng Social Security System (SSS), kailangan munang patunayan na ang kabiyak o asawa ay “dependent”. Ang kasong ito ni Tita ang magpapaliwanag sa atin ng ibig sabihin ng salitang “dependent”.

Noong Enero 17, 1970, nagpakasal si Tita kay Ferdie na isang SSS member. Sa papeles (E-1 Form) na isinumite ni Ferdie sa SSS ay ginawa niyang benepisyaryo ang asawang si Tita at nang magkaroon sila ng tatlong anak ay dinagdag din sila ni Ferdie bilang benepisyaryo.

Ngunit si Tita ay hindi naging tapat sa kanyang asawa. Madalas na lamang siya sa casino Kaya matapos ang 10 taon nang pagsasama ay naghiwalay ang mag-asawa. Ang tsismis ay iniwan ni Tita si Ferdie at sumama sa ibang lalaki kasama na rito ang isang pulis. Iyon nga lang, hindi napatunayan na nakiapid siya sa kahit sino sa mga ito. Sa kabilang banda, nagkaroon din si Ferdie ng relasyon sa ibang babae, si Sonya na naging kalive-in niya. Magkakasama sila ng babae  at ng tatlong anak niya kay Tita.

Labimpitong taon matapos siyang iwanan at hiwalayan ni Tita ay namatay si Ferdie noong Pebrero 1, 1997. Matapos mamatay ang kalive-in ay nagsumite ng papeles si Sonya sa SSS. Naghahabol siya ng death benefits bilang diumano ay asawa (common-law wife) ni Ferdie. Binasura naman ng SSS ang aplikasyon ni Sonya. Imbes ay nagbigay lang ang SSS ng death benefits sa tanging nag-iisang menor de edad na anak ni Ferdie na si Boysie. At dahil nga bata pa at wala pa sa hustong gulang, ang pensiyon at death benefits ay unang napunta kay Tita bilang guardian ni Boysie. Binayaran siya ng 37 buwan pension mula Pebrero 1997 hanggang Oktubre 2001 mula nang mamatay ang ama hanggang tumuntong si Boysie sa edad na 21.

Matapos nito ay naisipan ni Tita na maghabol para sa sarili bilang legal na asawa ni Ferdie. Kaya lang, hindi rin siya pinagbigyan ng SSS Imbes ay inayos lang ng SSS ang lahat ng dapat na makuha ni Boysie sa itinakdang limang taon na garantisadong benepisyo para kay Boysie noong Hulyo 11, 2002.

Noong Agosto 5, 2002 ay nagsampa ng petisyon si Tita sa Social Security Commission (SSC). Kinuwestiyon niya ang naging desisyon ng SSS. May karapatan din daw siyang maghabol na makatanggap ng pension bilang nag-iisang legal na asawa ni Ferdie.  (Itutuloy)

ASAWA

BOYSIE

FERDIE

IMBES

KAYA

MATAPOS

NOONG AGOSTO

SONYA

SSS

TITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with