^

PSN Opinyon

‘Patayin ang 15 senators!’ — Digong

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAY bagong joke si ex-President Duterte na hindi nakakatawa. Para raw makapasok ang lahat ng senatorial candidates ng kanyang partido, patayin ang 15 senador na nasa puwesto.

Ito ang sinabi ng dating- Presidente sa proclamation rally ng PDP-LABAN. “Marami kasi sila kaya ano gawin natin?” Tanong ng dating Presidente. Sagot sa sariling tanong: “Patayin na lang natin to make room for our candidates.”

Reaction ng mga taong nakikinig sa kanya, palakpakan at hiyawan. “Kung makapatay ng kinseng senador ay pasok na tayong lahat.”

Dapat ba sa isang matinong party leader ang pagpapahayag ng ganyan?

Mga bugok ang mga pumapalakpak at tumawa sa kanyang birong pang-inidoro. Kung may senatorial bets sa mga ito, huwag sanang manalo!

“Kawawa naman” aniya, pero ang tanging paraan daw ay “pasabugin silang lahat”. Wala akong narinig sa kanya na ito ay joke lang. Para ngang setup ‘to e. 

Pero biro man o hindi, pangit ang implikasyon nito. Masisikmura ba ng mga i-endorse niyang kandidato ang ganyang pahayag? 

Kung kasama ako sa lineup ng PDP-LABAN, aatras na lang ako at tatakbong independent, kung papayag ang Comelec.

Aba, baka sila lalong hindi iboto ng tao! Kawawa naman si Digong, nawawala na sa katinuan ng isip. Tantiya ko, may tama na ang kaisipan niya at dapat nang kumunsulta sa isang psychiatrist .

Malamang, kapag binatikos nang todo si Duterte sa pahayag niya, sasabihin niya: “Wala akong sinabing ganyan.”

Talagang iisa ang hulmahan nila ng anak niyang si VP Sara.

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with