^

PSN Opinyon

Matatag si Espina

- Bening Bataguis - Pilipino Star Ngayon

NAKAGAWIAN na ng ilang kalalakihan ang pag-inom ng alak sa kalye na hubad ang pang-itaas at nagkakanta-han gamit ang karaoke. Tapos na ang maliligayang araw n’yo dahil ayon sa kautusan ni NCRPO chief Dir. Leo-nardo Espina, arestuhin ang mga lumalabag at ikulong. Nakausap ko si Espina kahapon at mahigpit niyang ipinag-utos na walang sasantuhin ang kanyang mga pulis sa pagtalima sa city ordinance ng mga local official.

Ayon kay Espina, hindi kanais-nais tingnan ang mga taong naka-hubad ang pang-itaas dahil kabastusan ito. Ang pag-iinuman sa kalye ang pinagsisimulan ng away na humahantong sa  patayan. May ilang mangi­nginom na nag-iiba ang ugali kapag nasayaran ng alak ang kanilang bituka. Sa simula ay kantyawan hanggang sa humantong sa pikunan at away na. Nariyan din ang pag-ihi kahit  saan na lumilikha ng masangsang na kapaligiran.

Ang malakas na tugtog mula sa karaoke ay lumilikha ng ingay na ikinagagalit ng mga magkakapitbahay at maging sa mga dumaraan. Diyan din nag-uumpisa ang pag-aagawan sa mikropono lalo’t ang kanta ay “My Way” at My Love Will See You Through “ na pinag-uuga­tan ng patayan.

Kaya ang payo ni Espina, sa loob na lamang ng bahay uminom ng alak at mahinang tugtugan na lamang ang iyong pagkalibangan. Ngayong mahaba ang bakasyon dahil sa pagdiriwang ng Araw ng mga Patay at Araw ng Kaluluwa, bawal ang pag-inom sa sementeryo. Bawal din ang pagsusugal sa sementeryo. Bawal din ang magdala ng mga matatalas na bagay sa mga sementeryo.

Paiiralin ng PNP ang 10:00 p.m. curfew sa mga kaba­taan kaya ang panawagan ni Espina sa lahat ng mga magulang, pagbawalan ang mga anak na may edad 18 pababa na gumala sa kalye. Ang lahat ng ka­­bataan na mahuhuli ay dadalhin sa Department of Social Welfare and Development com­pound.

Matigas ang pa-n­i­­­nindigan ni Espina. Sa loob ng 55 araw  niya sa pagiging hepe ng National Capital Region Police Office nasa 34 na pulis ang kanyang sinibak. Kaya ang lahat ng pulis sa limang distrito ng Metro Manila ay tumatalima sa kanya. Kaya nararapat na ang mga sibilyan ay sundin ang kanyang paalala.

Abangan!

ARAW

BAWAL

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

ESPINA

KAYA

METRO MANILA

MY LOVE WILL SEE YOU THROUGH

MY WAY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with