^

PSN Opinyon

'Konduktor'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - The Philippine Star

IBA’T IBANG uri na ng modus sa mga pampasahe­rong jeep, bus, fx, at taxi ang naging paksa ng kolum sa ito.

Kadalasan, kung hindi mga snatcher na pumipitas    ng mga alahas na suot ng mga pasahero, mandurukot, o mga holdaper ang inirereklamo ng mga tao.

Lingid sa kaalaman ng nakararami, mayroon ding mga tiwaling drayber at konduktor na nagagawa pang isahan ang kanilang mga pasahero sa hangaring kumita ng extra.

Lumapit sa BITAG si Bong para ipagbigay alam ang naranasang panlalamang mula sa konduktor ng bus na nasakyan nilang pamilya.

Kuwento niya, kasama ang kanyang maliit na anak, asawa, at kapatid nito, sumakay sila ng bus sa Cubao patungong Pasay.

Matapos magbayad ng mag-asawa, imbis na ibigay kaagad ang sukli, siningil muna ng konduktor ang iba pang mga pasahero pagkaabot ng tiket sa kanila.

Nang kukunin na nila ang sukli sa konduktor, nagulat na lamang si Bong nang sabihin nito na kulang daw ang kanilang bayad.

Noon lamang nila nadiskubre na kulang ang tiket na ibinigay sa kanila ng konduktor noong nagbayad sila.

Habang ang konduktor ng bus, nagawa pang magalit sa kanila at pilit na binabaliktad ang sitwasyon.

 Kaya naman, para makaiwas na lamang sa pakikipag-away, napilitan na lamang silang bigyan ng dagdag na pasahe ang eskandalosong konduktor ng bus.

Ganito ang modus ng ilang dorobong konduktor na pinipiling kumita sa maruming pamamaraan.

Dahil ang sobrang perang nakukuha nila mula sa pandarayang ginagawa, diretso na sa sariling bulsa!

Narito ang ilang tips upang maiwasan ang ganitong panlilinlang ng mga mandurugas na konduktor sa mga pampasaherong sasakyan.

Una, hangga’t maaari, maglaan ng eksaktong ha­laga ng pamasahe. Estilo ng ibang konduktor na ipagpaliban ang pagbibigay ng sukli sa pagbabakasakaling makalimutan na ito ng pasahero sa kanila.

Pangalawa, i-check ang ticket na ibinibigay ng konduktor at itago ito hanggang sa inyong pagbaba sa pupuntahang destinasyon.

Maging alerto at huwag matakot na magtanong sa konduktor sakaling mali ang sukli o tiket na ibinigay niya sa iyo.

Tandaan na pinipili rin ng mga dorobo ang kanilang mga bibiktimahin, kaya’t huwag mong ipakita na mahina ka at hindi mo kayang lumaban dahil kung hindi, siguradong mahuhulog ka sa BITAG ng kanilang panlilinlang.

* * *

Para sa inyong mga sumbong at tips tuma- wag sa 9325310 o 9328919 o magpadala ng text message sa 09192141624 o mag-email sa bahala-        [email protected] o magsadya sa BITAG Headquarters #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City mula Lunes hanggang Biyernes alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

BIYERNES

CUBAO

DAHIL

KALAW HILLS

KONDUKTOR

QUEZON CITY

SYJUCO BLDG

TANDANG SORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with