^

PSN Opinyon

Banal sa kasalan: Babae at lalaki lamang

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - The Philippine Star

Nilalang ng Diyos ang lalaki at babae na laman ng kanyang laman at buto ng kanyang buto upang sila ay magkasama at magkaisa habambuhay. Iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina at sila ay magiging mag-asawa. Sila’y babasbasan ng Diyos magpakailanman!

Kaya ang diborsyo ay wala sa plano ng Diyos. Maging si Hesus ang nagbigay sa atin ng katibayan ng pag-iisang dibdib: “Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao” Sa Lumang Tipan ay doon natin nalaman na pinahintulutan ni Moises ang paghihiwalay “dahil sa katigasan ng ulo kaya niya inilagda ang utos na ito”. Kaya ang pag-aasawa ay hindi lamang pagpaparaos ng init ng katawan kundi isang misyon upang ipalaganap ang kabanalan at kadakilaan ng babae at lalaki.

Ang pag-aasawa ay tunay at banal na pag-uugnayan ng dalawang sexes. Sa mga papeles na ating pinipirmahan, mayroon tayong sinasagutan ukol sa sex. Dalawa ang ating pamimilian, male o female. Maging sa papeles ng kasal at ganundin ang ating sinasagutan. Kaya dalawa lamang ang sex na nilikha ng Diyos. Ang salitang sexual ay nangangahulugan na ano ba ang gawain ng babae at lalaki. Ang Latin na inter ay with or among ang ibig sabihin sa Ingles at sa Tagalog ay mayroon. Ang salitang cursus (course sa Ingles) ay layunin ang ibig sabihin sa Tagalog.

Ito ay katumbas ng mga mag-aaral sa kolehiyo na meron silang lahat ng course o layunin. Kaya pag nagtanong tayo sa mga mag-aaral: anong course ang sagot nila ay gusto kong maging: pari, doktor, abogado, guro, inhenyero, dentista, nars, at iba pa. Kaya ang pag-uugnay ng lalaki at babae sa kasal ay meron silang layunin na katulong ng Diyos upang lumikha ng buhay ang kanilang anak. Kaya ang pag-aasawa ay isang Misyon at may kabanalan. Ipinapayo ko sa mag-asawa na lagi nilang pasalamatan ang Diyos na pumili sa kanila bilang isang laman at isang buhay.

Gn2:18-24; Salmo128; Heb2:0-11 at Mk10:2-16

* * *

Happy 80th birthday kay Tatay Julian Remo ng Canda, Sariaya, Quezon.

ANG LATIN

CANDA

DALAWA

DIYOS

HESUS

IIWAN

KAYA

PAG

SA LUMANG TIPAN

TATAY JULIAN REMO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with