^

PSN Opinyon

Enrile vs Trillanes

- Al G. Pedroche - The Philippine Star

 MAINIT na national issue ang bangayan nina Senate President Juan Ponce Enrile at Senador Sonny Trillanes.

May punto de vista ako na pabor at kontra sa dalawang mambabatas. Katig ako sa banat ni Trillanes kay Enrile laban sa pagsusulong ng huli sa paghati sa Camarines Sur na malinaw naman na ang layunin ay “political accommodation.”  Wala akong makitang lohika para ga-wing dalawang lalawigan ang Camarines Sur maliban sa political accomodation. Mayroon nang Camarines Sur, Camarines Norte at kapag natuloy ay magkakaroon ng bagong lalawigang Nova Camarines.

Very obvious na may mga politikong gustong tumakbo para gobernador o Kongresista ng mabubuong bagong probinsya. Kung totoo ang alegasyon ni Trillanes na “atat” si Enrile sa mabilis na paghati sa CamSur, foul iyan.

Uminit ang ulo ni Enrile sa banat ni Trillanes sa kanyang privilege speech kaya naglabas ito ng mga dokumento na nagpapahiwatig na kumakampi si Trillanes sa China sa ginawa nitong “back channel negotiation” sa usapin ng Scarrborough Shoal.

Nalalabuan pa rin  ako kung ang ginawa ni Trillanes ay opisyal bagamat ito’y may bendisyon daw ni Presidente Noynoy. Sabi naman ng Malacañang, si Trillanes mismo ang nagboluntaryong maging emisaryo. Sa pagkaalam ko, tanging ang Pangulo ang may kapamahalaan pagdating sa mga isyu ng foreign policy sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs. Hindi ba paglapastangan ang ginawa ni Trillanes sa namumuno sa DFA na si Secretary del Rosario na ayon sa notes na binasa ni Enrile ay tinawag pang ‘‘traydor’’ ni Trillanes?

Nangangamba ako sa masamang impact ng pangyayaring ito. Malamang tatawa-tawa ngayon ang China sa conflict ng dalawang Senador  porke lumilitaw na walang nag-iisa at malinaw na polisiya ang pamahalaan sa mga suliraning panlabas.

Nagpahayag pa si Enrile na kailanman ay hindi siya yuyuko para humingi ng tawad kay Trillanes. Aniya pa “Tatapusin ko ang sini­mulan mo!”

Wow! Bagong pelikula ba iyan?

            

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ENRILE

NOVA CAMARINES

PRESIDENTE NOYNOY

SCARRBOROUGH SHOAL

SENADOR SONNY TRILLANES

TRILLANES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with