^

PSN Opinyon

'All out war versus smugglers'

ORA MISMO - Butch M. Quejada - The Philippine Star

MUKHANG ayaw ng matulog ni Customs Commissioner Ruffy Biazon sa kanyang puesto dyan sa aduana dahil panay ang hulihan blues ng mga smuggled shipment papasok man o palabas ng Philippines my Philippines.

Gusto kasi ni Ruffy na ituwid ang daan sa sinasabing pinaka-corrupt na ahensiya ng government of the Republic of the Philippines my Philippines kaya naman wala itong patawad sa mga nahuhuli nilang mga epektos.

Sabi nga, tinutuluyan pati kasabwat kinakasuhan!

Noong pumasok si Ruffy sa aduana akala ng mga smuggler dito ay puede nila utuin o loko-lokohin ito pero nagkamali sila ng pagkakaakala ngayon si Biazon ang tinik sa kanilang mga dadaanan.

Hindi lang mga droga ang sunud-sunod na nasungkit nila bitbit ng mga drug mule kundi pati mga imported rice ay natangay din nila kabilang ang iba pang mga epektos at ngayon nga pati igat ay tinira na rin ni Biazon.

Nakakagulat kung iisipin bakit igat pinupuslit na rin palabas ng Philippines my Philippines dahil nga mahal ito at masarap na tsibog kapag nakarating sa port of destination.

Ika nga, delicacies na rin ito sa aboard este mali abroad pala.

Kahun-kahon igat ang nasakote ng mga bataan ni Ruffy sa isang warehouse sa airport the other week kaya naman nagkakamot ng ulo ang mga kamoteng sindikato dahil hindi birong salapi ang nawala sa kanila.

Sabi nga, buti nga! Abangan.

Bombay issue sa Immigration

 

IBINUKO ng isang kongresista ang mga Indian natio­nals na walang humpay na pumapasok sa Philippines my Philippnes at sinasabing pinagkakakitaan pa ito ng mga kamote dyan sa Bureau of Immigation.

Sabi nga, P50,000 to P60,000 kada ulo!

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ni Laguna Rep. Justin Timmy Chipeco malaking salapi daw ang ulo ng mga illegal bombay?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang pala ang ginawang pagtakas ng mag-utol na sina ex-Palawan Governor Joel Reyes at Coron Mayor Mario Reyes at ang Korean fugitive na si Kim Tae Dong ang issue sa liderato ni Bureau of Immigation Commissioner Ricardo David kundi pati mga bombay pala.

Naku ha!

Kung may delicadeza kay David magbitiw ka na sa palagay ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi ka na kayang salagin ng padrino mo sa AFP dahil mismo si P. Noy ay dismayado sa iyo.

Sabi nga, alis ka na dyan!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang natutulog sa pansitan ang intelligence group ni ‘super lady’ Atty. Tonette Mangrobang dahil hindi nila natitiktikan ang mga bombay na pumapasok sa mga paliparan. Ano kaya ang masasabi dito ni Dong Castillo?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang dumating na bombay sa Philippines my Philippines 7,000 to 10,000 ito sa loob lamang ng ilan buwan pero ok sana ang pasok nila kung magtatapon sila ng salapi sa atin para kumita ang gobierno kaso ang masama sa mga bugok dyan sa immigration sila nagbibigay ng pera.

‘Sino ba itong immigration official na may BMW na itinatago pa sa isang mall kapag papasok siya sa kanyang BI central office ?’ Tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Kapos ang space ng Chief Kuwago’

Abangan.

ABANGAN

BIAZON

BUREAU OF IMMIGATION

BUREAU OF IMMIGATION COMMISSIONER RICARDO DAVID

CHIEF KUWAGO

PHILIPPINES

RUFFY

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with