^

PSN Opinyon

Katapatan

K KA LANG? - Korina Sanchez - The Philippine Star

MGA ganitong kuwento ang nakakataba ng puso at nagbibigay pag-asa at patunay na may mga matatapat na tao pa rin sa Pilipinas! Isang janitor ang nakakita ng bag na naglalaman ng higit P600,000 at agad ibinigay sa mas nakatataas na opisyal sa NAIA. Isipin na lang natin ang ganyang kalaking halaga sa isang tao na nanganga­ilangan! May kaibigan nga akong nagsabi na kung siya ang nakahanap ng pera, aangkinin na raw niya ito dahil parang binigay na rin ng Panginoon iyon! Pabiro naman niya sinabi iyon, at baka may magalit naman diyan!

Kung iisipin, bakit ka magiging pabaya sa ganyang kalaking halaga sa airport? Kung ako o kasama ko ang may bitbit na ganyang pera, hindi mawawala sa paningin at tabi ko ang bag! Kaya siguro sinabi ng kaibigan ko na tila regalo na iyon dahil pabaya naman ang may-ari! Pero inuulan ko ng papuri ang nakakita at agad namang ibinigay sa kanyang supervisor. Mabuti na lang para sa may-ari ng pera at si Ronald Gadayan ang nakakita ng bag! Hindi ko lang alam kung binigyan ng pabuya ng may-ari si Ronald. Sana naman.

Ang katapatan ay magandang katangian. Katulad ng katapatan ng administrasyong Aquino. Nakakatanggap ng batikos ang administrasyon mula sa mga kritiko nito na hindi raw ginagastos ang perang nakalaan para sa bansa. Kasi maingat ang administrasyong ito sa paggastos ng pera ng bayan, at hindi kung saan-saan lang ginagastos! Ano ang mas mabuti, yung hindi ginagastos na pera at nandiyan lang, o yung kaliwa’t kanan ang gastos na kuwestiyonable naman? Ilang beses na nating narinig ang pag-aaksaya ng pera ng bayan sa mga walang katuturang bagay? Mga pinamimigay na kalahating mil­yong piso sa isang almusalan, mga hapu­nan na isang milyon ang halaga. Lalo naman yung mga lantarang ninanakaw na katulad ng ginawa umano ng ilang heneral ng AFP sa ilalim ng nakaraang administrasyon!

Bahagi ng daang matuwid ni President Aquino ang pagiging tapat sa lahat. At ito ang inaatasan niya sa lahat ng kanyang tauhan sa gobyerno. Mga katulad ni DILG Sec. Jesse Robredo, na maagang binawi ng ating Panginoon.

ANO

AQUINO

BAHAGI

ILANG

ISANG

JESSE ROBREDO

PANGINOON

PRESIDENT AQUINO

RONALD GADAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with