^

PSN Opinyon

Mga walanghiyang hinete

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - The Philippine Star

NAPANGIWI si Philippine Racing Commission (Philracom) Chairman Angel Castano Jr. sa nakitang kapabayaan ng Board of Steward (BOS) at kabulastugan ng mga hinete sa gitna ng laban sa mga regular na karera kamakailan. Ito ang aking napag-alaman matapos rebisahin umano ni Castano ang mga resulta ng karera ng San Lazaro Leisure sa Carmona, Cavite at Santa Ana park sa Naic, Cavite na ikinainit ng dugo nito. Kasi nga naman, lantarang napansin ni Castano na ang ilang hinete na garapal sa pagsakay sa kabayo para lamang ipatalo sa gitna ng laban. Sa obserbasyon ni Castano sa mga karerang nagaganap sa loob ng anim na araw napuna na may mga hineteng nakaliligtas sa matang mapanuri ng BOS, ang mga nagwawalang-hiyang hinete.

Kaya agad na inatasan ni Castano ang BOS na tawagin ang mga hineteng nagkukutsero sa likuran ng mga nauunang kalaban sa gitna ng regular na laban. Ito’y upang ipataw ang kamay na bakal sa mga nagkasala. Nangangahulugan na kaya ito na maraming hinete ang mapaparusahan o dili kayay maalisan ng lisensiya sa hinaharap? At upang lalong maging epektibo at sumigla ang karera sa dalawang karerahan sa Cavite, nanawagan si Castano sa iba pang sector lalo na sa mga horse owner at dalawang racing club na tulungan sila na maisulong ang matinong karera na ang makikinabang ay ang buong industriya sa pamamagitan ng mga progra-mang inilalatag ng komisyon bilang regulatory body sa horse racing.

Sa kasalukuyan, malaki na ang pinagbago ng handicapping matapos ang ginawang pagsaliksik ng binuong handicapping committee. Batay sa kapangyarihan ng komisyon, hindi umano mangingimi ang Philracom na patawan ng parusa ang  mapapatunayang nagpapa­bayang BOS.

Inihayag naman ni Com­missioner Jess Cantos, executive racing director, na hindi sila mangingiming ipa­tupad ang kamay na bakal laban sa mga hineteng mahuhuling salbahe sa pana­nakay gayundin ang mga steward na magpapabaya sa kanilang tung­kulin.

Bilang kinatawan ng Ph­i­lippine Jockey Association, tiniyak naman ni Commissioner Lyndon Guce na hindi niya kukunsintihin ang mga mahuhuling hinete na lubhang gumagarapal sa pananakay ng kabayo sa lehitimong karera sa dalawang karerahan sa Cavite. Kaya ang ultimatum ni Castano “Binago na namin at pinagaganda pa ang handicapping, subalit kung may mga hinete naman na magwawalanghiya para sirain ang programa ng komisyon hindi kami papayag.”

Magbago na kayong mga hinete bago matikman ang pangil ni Castano.

BOARD OF STEWARD

CASTANO

CAVITE

CHAIRMAN ANGEL CASTANO JR.

COMMISSIONER LYNDON GUCE

HINETE

JESS CANTOS

JOCKEY ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with