^

PSN Opinyon

National Press Club lilingap sa may cancer

- Al G. Pedroche - The Philippine Star

MAGANDA ang ibinunga ng 4-araw na misyon ng National Press Club of the Philippines sa People’s Republic of China. Nagbigay ito ng pag-asa sa mga kasapi ng media na biktima ng cancer. Dumalaw sa naturang bansa ang mga opisyal ng NPC sa pangunguna ng pangulo nito na si Benny Antiporda. Kabilang sa mga pinuntahan ang Modern Cancer Hospital (MCHG) sa Guangzhou City, Guangdong Province, People’s Republic of China.

 Nabuo ang isang kasunduan noong Sabado, Hulyo 14, na nilagdaan ni NPC Pres. Benny Antiporda at Dr. Wang Huaizhong, president/director ng MCHG. Dito’y nakasaad na libreng gagamutin ng ospital ang dalawang cancer victim mula sa Pilipinas, kada taon.

Sa kabila ng sigalot ng Pilipinas at China kaugnay ng usapin sa West Philippine Sea, ito’y isang welcome development. Ang MCHG ay bantog na ospital sa China dahil sa magandang record sa pagpapagaling sa cancer kahit pa yung stage 4 o advanced stage. Hindi tradisyunal na paraan ng paggagamot ang ginagamit dito. Walang chemotherapy. Mahigit 10,000 pasyente na ang naserbisyuhan nito sa nakaraang pitong taon, kasama na ang ilang pasyenteng Pinoy.

Sasagutin lahat ng MCHG ang gastusin sa pagpapagamot ng pasyente, kasama na ang gastusin sa isa niyang kamag-anak o kapamilya na magbabantay sa kanya sa buong panahon ng kanilang pananatili sa nasabing pagamutan.

 Tutulong naman ang NPC sa layunin ng MCHG at BAMG na mapalawak ang kaalaman ng mga Pinoy sa sakit na cancer. Pinasalamatan din ni Antiporda si Mr. Lin Zhicheng, chairman ng BAMG, na naglaan ng oras sa delegasyon para sa malayang tala­kayan ng mga isyu na may kinalaman sa cancer at sa planong pagpapalawak ng puhunan ng BAMG sa Pilipinas.

Agad ding pumayag si Mr. Lin sa panukala ni Antiporda na tulungan ng MCHG ang mga Pinoy na biktima ng can­cer, partikular na sa hanay ng mahihirap.

Kasama ni Antiporda sina NPC directors, Paul Gutierrez, Joel Egco at Mina Navarro, bukod pa ang mga kasapi ng Philippine media mula sa pahayagan, radyo at telebisyon. Nagkapalad ding maisama sa misyon ang ating reporter na si Doris Franche.

ANTIPORDA

BENNY ANTIPORDA

DORIS FRANCHE

DR. WANG HUAIZHONG

GUANGDONG PROVINCE

GUANGZHOU CITY

MR. LIN

PILIPINAS

PINOY

REPUBLIC OF CHINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with