^

PSN Opinyon

Impeachment trial itutuloy pa rin

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

NAGPALABAS na ng ruling ang Mataas na Hukuman: labag sa Konstitusyon ang pagsusulong ng Senado ng impeachment trial laban kay VP Sara Duterte. Ito’y dahil sa teknikalidad na apat na reklamo ang inihain sa Mababang Kapulu­ngan na ka­ilangang isa lang sa loob ng isang taon para maging ba­lido. Ang pag-archive diumano sa naunang tatlong impeachment complaints ay ikinukunsiderang pagbasura sa mga ito.

Sa kabila nito, sinabi ng ilang Senador matapos ang ruling ng Korte na itutuloy pa rin as scheduled ang trial kahit dekla­rado na “unconstitutional” ang pang-apat na reklamo. Personal akong pabor na maituloy ang trial upang lumabas ang buong katotohanan sa mga ipinaparatang kay VP Sara. Dapat lang dahil nakaamba siyang maging susunod na Presidente ng bansa.

Sabi ni Sen. Joel Villanueva, ang Senado ay “sui generis” na ang ibig sabihin ay may natatanging karapatang umakto sa sarili nitong kapasyahan. Teka, teka, hindi ba ta­nging Korte Suprema lang ang final arbiter na makapagsa­sabi kung ano ang legal at ilegal? Kung sasalungatin ng Senado ang pasya ng Korte Suprema, hindi ba ito’y pagsuway sa Konstitusyon?

Mahirap yatang unawain ito ng ordinaryong mamamayan na kulang sa nalalaman na tulad ko. Bakit ganoon? Noong una, diniley-delay ang trial at nagkaroon ng pagtatalo sa kahu­lugan ng “forthwith” na ang ibig sabihin ay agad-agad.

Ngayon namang may desisyon ang SC na unconstitutional ang impeachment trial, itutuloy pa rin ito!!! Ano ba ang paninindigan ng Senado, pro impeachment ba o anti? Dapat­ sana’y tumangu-tango ako sa sinabi ni Senador dahil gusto kong malitis si VP Sara alang-alang sa katotohanan.

Tutal puwede namang maghain ng bagong impeachment matapos ang taong ito at ilang buwan na lang ang hihintayin, ‘di ba? Sundin na lang ang desisyon ng Mataas na Hukuman.

SARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with