^

PSN Opinyon

Sundalo na kaminero pa

- Al G. Pedroche - The Philippine Star

“WALA namang ganyanan” anang isang kawal ng Philippine Air Force (PAF) kaugnay ng dagdag na trabaho nila bilang tagalinis ng mababahong estero kasama pa ang pagmamando ng trapiko.

Ito’y kaugnay ng community cleanup project at Internal Peace and Security Plan ng administrasyon. Ayaw kong maghusga agad na mali ang sisteng ito maliban na lang kung ito’y gagawing pamalagiang bahagi ng tungkulin ng sundalo. Puwede siguro iyan kung may espesyal na okasyon.

Sa ika-65 aniberasryo ng PAF kamakailan, malayang inilabas ng mga kawal ang kanilang sentimiyento sa isyu ng kanilang magasin na The Air Force Way. In fairness, gusto kong saluduhan ang PAF dahil hindi ito nagpapatupad ng press censorship at malayang nakapaglalahad ng saloobin ang mga kawal at kawani nito.

Batay sa nababalitaan natin, nade-demoralize ang mga kawal sa iniaatang sa kanilang gawain. Oo nga naman. Ang tungkulin ng sundalo ay pang-depensa kung may bantang pangseguridad sa bansa. Nabibigyan din sila ng karagdagang gawain kapag may kalamidad tulad ng rescue operations at pamamahagi ng relief goods sa mga biktima ng bagyo o lindol.

Ba’t hindi nga naman ipaubaya ang pagmamando ng trapiko sa mga traffic enforcers at paglilinis sa mga Metro Aides? Kanya-kanyang tungkulin wika nga.

Mahirap talaga ang maging sundalo dahil kailangan mo munang sumunod sa utos bago magreklamo. Sana’y maging open ang pamunuan ng military sa daing na ito ng ating mga mandirigma.

AIR FORCE WAY

AYAW

BATAY

INTERNAL PEACE AND SECURITY PLAN

KANYA

MAHIRAP

METRO AIDES

PHILIPPINE AIR FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with