^

PSN Opinyon

Careful, careful!

K KA LANG? - Korina Sanchez - The Philippine Star

TAMA ang Palasyo para sabihan ang China na maging maingat sa kanilang pananalita. Sa isang pahayagan sa China, tayo pa raw ang naghahanap ng gulo at nagdadagdag ng tensiyon sa lugar! Ganito kasi ang reaksyon ng China sa planong magpapadala ng mga espiyang eroplano sa Scarborough Shoal ang US para bantayan ang lugar. Sa kilos na ito, tila malaki ang naging reaksyon ng China, dahil nakikita nang kakampi natin ang US. Sanay na kasi ang China na sila ang berdugo at hindi sila ang bineberdugo!

Paano naman naging tayo ang naghahanap ng gulo? Tayo ba ang marami kung magpadala ng mga barko sa mga lugar ng Scarborough at Spratlys? Tayo ba ang nagpapadala ng mga mangingisda at nababantayan pa ng militar? Tayo ba ang nagpapalipad ng mga eroplano para bantayan din ang lugar? Paano naman tayo pa ang naging agresibo, eh wala nga tayong mga kagamitan katulad ng China?

Humingi lang tayo ng tulong sa US na magpalipad ng mga eroplano sa lugar para lang mabantayan, tayo na ang naghahanap ng gulo? Umiinit na nga nang husto ang sitwasyon sa West Philippine Sea. Hindi pa nating lubos na nakikita kung ano ang magiging katapusan nito. Mabuti na’t nagpapakita na ang US ng suporta sa atin. Mabuti na’t nakikita ng China ang suportang iyon. Kung ganyan na ang reaskyon ng China, paano pa kaya kapag may mga barko na rin ang US sa lugar?

Diplomasya ang hanap na solusyon ng Pilipinas sa kasalukuyang isyung ito. Wala naman talaga sa ating kakayahan ang makipag sapalaran sa China kung puwersang militar lang ang pag-uusapan. Kaya nga tayo humihingi ng tulong mula sa kaibigan. Kung may agresibo sa lahat na ito, China iyon. Hindi lang sanay na sila ang pinagsasabihan. Kaya tama nga at mag-ingat sila sa kanilang pananalita. Marami na ang nakatutok ang tingin sa atin. Marami na rin ang nagsasabing walang basehan ang pag-aangkin ng China sa lahat ng isla sa karagatan! Katulad ng nasulat ko na noon, mahirap ang maraming kaaway. Hindi lahat nakukuha sa laki, ika nga!

CHINA

DIPLOMASYA

GANITO

KAYA

MARAMI

PAANO

SCARBOROUGH SHOAL

TAYO

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with