^

PSN Opinyon

Paring may asawa (Last part)

K KA LANG? - Korina Sanchez - The Philippine Star

SABI ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP), ayaw nilang manghusga ng mga pari na nagdedesisyong mag-asawa. Ngunit may paraan naman daw na umalis ng Simbahan ang mga ito at may prosesong dapat sundin. Hindi raw talaga binabasbasan o kinikilala ng Simbahan ang mga kasal, pangumpisal, blessing o anupamang opisyal na gawain ng isang pari na nag-asawa. Iyun nga ang siste. Ang mga pari na ito tulad ni Fr. Hector Canto ay patuloy na gumaganap na pari sa kanilang komunidad at Simbahan. Alam naman daw ng kanilang mga mananampalataya na sila’y may asawa.

Ang pagdadahilan ni Fr. Hector: Hindi naman daw nababawasan ang kabanalan at pagkataimtim at sinsero ng kanilang trabaho para sa Diyos dahil lang sa sila ay may asawa. At wala nga namang nakasulat sa Bibliya na bawal mag-asawa ang isang disipulo o pari. Mayroon ba? Darating ba ang panahon na magiging bukas na ang Simbahan sa isang debate? Hindi raw natural sa isang lalaki ang hindi magkagusto sa babae. Bakit nga naman daw taliwas ang gusto ng Simbahan sa natural na likha ng Panginoon? Bakit ang mga pastor sa ibang relihiyon ay maaaring magkapamilya?

Hindi naman daw nababawasan ang kalidad ng trabaho para sa kanilang trabaho para sa Diyos? Sa mga bansang sakop ng Katolisismo ay maraming bagay ang makikitang pare-pareho: Ang di-pag-usad nang mara-ming bagay o batas na matagal nang umusad sa mga mayayamang bansa na di sakop ng Katolisismo tulad ng diborsyo o sex education sa eskuwelahan. Kaya, good luck na lang sa ilusyon na kailanman ay magbabago ang mga panuntunang ito ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas.

ALAM

BAKIT

CATHOLIC BISHOP

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DIYOS

HECTOR CANTO

KATOLISISMO

SIMBAHAN

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with