Mga Duterte pro-China - Malakanyang
MANILA, Philippines — Dahil sa pagiging “pro-China” kaya inaasahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Vice President Sara Duterte na batikusin ang gobyerno kaugnay sa paghawak nito sa isyu sa pinag aagawang West Philippine Sea (WPS).
Ito ang sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro matapos kuwestyunin ng Bise Presidente sa kanyang interview sa Australia ang pagpayag ng gobyerno na ilagay dito sa Pilipinas ang typhoon missile system ng Estados Unidos.
“Hindi yung kikilingan mo..kikilingan mo ang isang foreign power, papasukin mo ang mga missile ng foreign power sa bansa mo na alam mong kinaiinisan noong kalagan niya na wala ka namang kinalaman sa gitgitang nilang dalawa,” sinabi pa ni VP Duterte.
Subalit giit ni Castro, inaasahan na ganito ang reaksyon ng mga Duterte dahil pro-China sila at si Pangulong Marcos ay pro-Philippines.
“The President said we expect that from the Dutertes because they are pro-China. At ang Pangulo ay pro-Philippines,” giit pa ni Castro.
Ang Pilipinas ay mayroong matagal nang kasunduan sa Washington at mas lumalalim pa ang defense cooperation simula nang maupo sa puwesto si Marcos noong 2022 at sinimulang kontrahin ang pag-aangkin ng China sa South China Sea.
- Latest