^

PSN Opinyon

Barr Samson, 80

- Al G. Pedroche - The Philippine Star

MARAHIL sa tinatawag na “now” generation, kapag binanggit ang pangalang Barr Samson ay mapapatanong sila ng “who’s he?” o kaya, “parang pamilyar ang pa­ngalan”. Pero nasisiguro ko na sa mga nakatatanda na mahilig makinig sa radyo, isang batingaw na kumakalembang ang pangalang Barr Samson.

Si Tata Barr (Ibarra ang tunay na ngalan) ay isa sa mga haligi ng Philippine broadcasting na may pinaka­mahabang taong ginugol sa industriya at sumikat sapul pa noong dekada 50. Kabilang siya sa mga orihinal na radio patrol ng ABS-CBN noong araw bagamat nagsimula sa Republic Broadcasting System na ngayo’y GMA. Sa GMA ay nakasama niya ang aking kapatid na naging sikat na brodkaster din, si Ray Pedroche.

Namahinga na siya noong Hunyo 24 matapos ang 63 taong aktibong pagbobrodkas sa edad na otsenta dahil sa atake sa puso. Karamihan sa mga nakasabayan niya nang magsimula noong 1949 gaya nina Tiya Dely, Ric Tierro, Paeng Yabut at iba pa ay nauna nang namaalam.

Bago siya pumanaw ay ilang taon ding DJ si Tata Barr sa DWBR 104.3. Tuwing araw ng Linggo’y napapakinggan ang kanyang programang “You and the Past and the Music” mula alas-tres hanggang alas-kuwatro ng hapon tuwing Linggo sa naturang himpilan. Kabilang siya sa bloke ng “Golden Years” na binubuo ng mga beteranong announcer na walang pagkalaos tulad nina Lito Gorospe, Jo Sandiego, Ernie Zarate at Rene Quitorio.

Nakalagak sa St. Peter’s Memorial Chapel sa Karuhatan, Valenzuela City ang mga labi ni Tata Barr at noong unang gabi ng burol ay naroroon ako kasama ng maraming taong nakidalamhati. Dahil dating ABS-CBN guy si Tata Barr, naroroon ang top-honcho ng DZMM na si Peter Musngi kasama ang reporter na si Jun Lingcoran para maghatid ng pakikidalamhati.

Bago yumao ay may isinulat siyang aklat tungkol sa broadcasting na nakatakda sanang ilunsad niya pero sa kasawiang palad ay kinamatayan niya. Pero sabi ng kanyang buti­hing misis, tuloy ang book launching sa Biyernes na huling araw ng burol na isasagawa doon na mismo sa punerarya.

Nang ako’y nasa Voice of the Philippines pa (ngayo’y Radyo ng Bayan) nakasama ko si Tata Barr. Di ko inaasahan dahil nang ako’y anim na taong gulang, isa lamang akong fan ni Tata Barr sa programang “Tita Betty’s Children Show” na doo’y nagboboses bata siya na ang gamit na pa­ngalan ay “Itik-Itik.” Tata Barr, pakikamusta na lang ako kay Lord pag nagkita kayo! Sweet rest.

BARR

BARR SAMSON

CHILDREN SHOW

ERNIE ZARATE

GOLDEN YEARS

JO SANDIEGO

JUN LINGCORAN

KABILANG

TATA BARR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with