^

PSN Opinyon

Godless advocacy

- Al G. Pedroche - The Philippine Star

MAGANDA ang mayroong adbokasya. Adbokasya sa pangangalaga ng kapaligiran, pagsugpo sa katiwalian, pagtataguyod ng mabuting pamamahala at iba pa sa ikabubuti ng lipunan.

Pero papaano kung ang adbokasya ay tanggalin ang Diyos sa ating buhay? Ano’ng buti sa lipunan ang mai-dudulot kung aalisin sa buhay ang Diyos? Kakatwa na may isang party-list Congressman na may panukalang batas na alisin ang Diyos sa mga tanggapan ng pamahalaan. Ito’y pagbabawal ng mga bible studies, misa (kahit pa may namatay), at iba pang relihiyosong aktibidad sa mga tanggapan ng gobyerno kahit ginagawa pa sa labas ng official working hours.

Panukala ito ng Kabataan Party list na si Raymond Palatino. Marahil, ang inspirasyon ni Palatino ay ang Estados Unidos dahil doo’y matagumpay nang naipagbawal ang pagdarasal sa publiko tulad ng sa mga paaralan. Bawal na rin sa ilang estado sa Amerika ang pamamahagi ng mga biblia sa mga publikong lugar. Tanong, kamusta ang Amerika ngayon? Dumaranas ng matinding recession at nababaon sa trilyong dolyares na pagkakautang.

Tinawag pa ni Palatino ang kanyang bill na “RELIGIOUS FREEDOM IN GOVERNMENT ACT”. Kesyo di raw dapat mag-endorso ng relihiyon ang pamahalaan. Ano ang magiging kabuntot niyan? Aalisin na rin siguro sa Saliganbatas ang banggit sa pangalan ng Diyos. Kung daraanin sa plebisito ang isyu, tiyak tututol ang nakararami dahil mayorya ng mga Pinoy ang naniniwala sa Diyos.

Hindi dapat iwaglit sa lahat ng aspeto ng buhay ang Diyos. Kung nais nating magtagumpay bilang mga indibidwal at bilang bansa, dapat may gabay at patnubay sa atin ang Diyos. Ayaw kong isipin na papatahak tayo sa isang sistemang Marxism, isang pamamahalang ipinagbabawal ang relihiyon.

AALISIN

ADBOKASYA

AMERIKA

ANO

DIYOS

ESTADOS UNIDOS

KABATAAN PARTY

PALATINO

RAYMOND PALATINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with