^

PSN Opinyon

Anak ng ex-girlfriend

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - The Philippine Star

BAGO nakilala at pinakasalan ni Luis si Lorna ay may kinakasama siyang ibang babae. Nagkaroon pa nga siya ng anak sa ex-girlfriend at “Leo” ang ipinangalan sa bata. Puwede sanang magpakasal ang dalawa pero talagang kapalaran yata ni Luis na makilala si Lorna at ito ang pinakasalan. Agad kasi siyang tinamaan sa babae. Iyon nga lang, hindi inamin ni Luis kay Lorna ang pagkakaroon niya ng anak sa ibang babae. Katwiran ng lalaki ay hindi masasaktan ang babae sa hindi nito nalalaman.

Dahil sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, hindi magkaroon ng anak sina Luis at Lorna. Nagdesisyon ang mag-asawa na mag-ampon na lang.  

Inihanda ang lahat ng kailangang dokumento para maayos ang pagsasampa ng petisyon sa pag-ampon ng isang batang lalaki.

Samantala, nakuha pa rin ni Luis na itago ang kanyang sekreto hanggang sa nakamatayan na niya ito.   Tulad ng madalas mangyari sa kuwento, pagkamatay ng isang tao ay saka lumalabas ang mga lihim at sekretong kanyang itinatago.

Nang malaman ng dating siyota ni Luis na namatay na ang lalaki at marami itong naiwang ari-arian at personal na gamit, nagsampa siya ng kaso para sa kapakanan ng anak na si Leo. Hinihingi niya sa korte na kilalanin si Leo bilang anak sa labas at tagapagmana ni Luis. Kinontra ni Lorna ang petisyon. Argumento niya, ang pag-ampon ni Luis ay malinaw na katibayan na wala itong kinila-lang anak sa labas dahil kung talagang mayroon siyang anak, hindi siya puwedeng mag-ampon alinsunod sa batas (Art. 335 Civil Code). Tama ba si Lorna?

MALI. Hindi ibig sabihin na may desisyon na pabor kay Luis para mag-ampon ng bata ay wala na siyang anak sa labas. Noong panahong sinasampa nila Lorna ang petisyon para mag-ampon ng bata ay wala pang kaukulang pagkilala kay Leo bilang anak sa labas ni Luis. Kaya hindi uubrang gamitin sa kanya ang Art. 335 ng Civil Code. Sa katunayan, ngayon pa lang humihingi si Leo ng pagkilala mula sa mga naiwang tagapagmana ni Luis na pinangungunahan nga ni Lorna.

Isa pa, hindi naman ma-lulutas sa kaso ng pag-ampon ang tungkol sa usapin ng pagiging anak sa labas ni Leo. Hindi mawawalan ng karapatan ang isang anak sa labas sa ari-ariang naiwan ng ama porke lang nag-ampon ito ng ibang bata at pinayagan ito ng korte. Ito ang desisyon sa kasong Bongal vs. Vda. de Bongal, 20 SCRA 79. Sa kasalukuyan, binago na rin ang batas sa pagpapatupad ng Child & Youth Welfare Code. Ngayon ay puwedeng mag-ampon ang isang tao kahit pa siya’y may legal na anak o may anak sa labas.

AMPON

ANAK

BONGAL

CIVIL CODE

LABAS

LORNA

LUIS

YOUTH WELFARE CODE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with