^

PSN Opinyon

'Buwan ng mga Magsasaka at Mangingisda'

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

NAPAGKUWENTUHAN namin ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estra­da ang pagdiriwang ng “Buwan ng mga Magsasaka at Mangingisda” (National Farmers’ and Fisherfolk’s Month) ngayong Mayo.

Ito ay alinsunod sa Proclamation No. 33 na nilagdaan ni dating President Cory Aquino noong 1989 upang bigyang pugay ang mga pangunahing nagpo-produce ng pagkain sa bansa.

Ang tema ng pagdiriwang ay “Sapat na Pagkain, Sama-sama Nating Kamtin!” bilang hamon sa pagsusulong ng agricultural productivity at food security. Matatandaang nagbabala ang United Nations (UN) at Asian Development Bank (ADB) na lulubha ang hunger incidence sa mara-ming bansa sa mga susunod na taon dahil sa kakulangan ng supply ng pagkain at pagtaas ng presyo.

Kasabay ng selebrasyon ng “Buwan ng mga Magsasaka at Mangingisda” ang pagsusuri ng pamahalaan sa mga programang kasalukuyang ipinatutupad sa agrikultura at kung ano pang ibang mga hakbangin ang dapat isagawa para rito.

Si Jinggoy ay maraming iniakdang panukalang batas upang ayudahan ang mga magsasaka at mangingisda, at ang kabuuan ng sektor ng agrikultura. Ilan dito ang mga sumusunod:

Senate Bill 482: Agricultural Cooperative Research Extension Act (pagtatatag ng State Agricultural College at mga LGU Cooperative Extension Research Service);

SB 596: National Agricultural Marketing Act (tulong sa mga magsasaka at mangingisda sa pagbebenta ng kanilang mga produkto); SB 706: Agriculture and Fisheries Extension Act (ibat-ibang mga programa sa bukirin at pa-ngisdaan); SB 717: Farmers and Fisherfolk Assistance Act (pagtitiyak ng maayos na pagdaloy ng pondo ng pamahalaan sa sektor ng agrikultura); SB 725: Farmers and Fisherfolk Free Patent Act (sistema para sa access at pagmamay-ari ng sariling lupa ng mga magsasaka at mangingisda); SB 743: Agriculture Education Act (pagtatatag ng National System of Agriculture Education Institutions); at SB 755: Agriculture Technology Generation and Transfer Act (pagpapalakas ng teknolohiya sa agrikultura).

Ayon kay Jinggoy, ang pagtitiyak ng kapaka-nan at pag-unlad ng mga magsasaka at mangi-ngisda ang susi sa food security at progreso ng ating bansa.

* * *

Birthday greetings: Mayor Edmund Gillamac ng Silvino Lobos, Northern Samar (May 16).

ACT

AGRICULTURAL COOPERATIVE RESEARCH EXTENSION ACT

AGRICULTURE AND FISHERIES EXTENSION ACT

AGRICULTURE EDUCATION ACT

AGRICULTURE TECHNOLOGY GENERATION AND TRANSFER ACT

ASIAN DEVELOPMENT BANK

BUWAN

COOPERATIVE EXTENSION RESEARCH SERVICE

FARMERS AND FISHERFOLK ASSISTANCE ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with