^

PSN Opinyon

Sindikato ng droga, Pilipinas ang bagong puntirya!'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

NABABAHALA ang operatiba ng Philippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA) sa sunod-sunod na kaso ng pagpu­puslit ng droga sa bansa ng mga dayuhang mula sa Africa. Sa pagsisimula pa lamang ng taon, lima sa mga kinilalang miyembro ng West African drug syndicate ang nasakote ng PDEA sa Ninoy Aquino International Airport. Hindi bababa sa dalawang kilo ng droga ang nakumpiska ng mga operatiba sa bagahe ng mga suspek. Ayon sa record ng PDEA, mula sa Kenya, Uganda, Guinea at Ghania ang mga nahuling drug courier sa NAIA.

Markado na sa ilang bansa sa Asya tulad ng Malaysia, Thailand at Indonesia ang sindikatong ito kaya naman Pilipinas na ang bago nilang pinupuntirya. Isang itinuturong dahilan ay ang maluwag na seguridad sa paliparan ng Pilipinas. Mula Africa, dadaan muna ang sindikato sa Middle East saka papasok ng Pilipinas.

Kung minsan, ginagamit ng mga putok sa buhong sindikato ang foreign exchange students na nire-recruit nila para gawing drug mules o taga-bitbit ng droga. Maging­ ang mga social networking sites tulad ng Facebook ay nagiging instrument para makahanap ang mga ito ng mga drug courier.

Kaya patuloy ang pakikipag-uganyan sa isa’t isa ng Bureau of Immigration at PDEA para matyagang mabuti ang mga pumapasok na dayuhan partikular na ang mga hinihinalang miyembro ng sindikatong West African drug syndicate.

Mula sa “baron” o financier ng grupo, hanggang sa mga “recruiter” at “drug mules”, alerto at bantay-sarado ang mga operatiba sa dumaraming kaso ng drogang ipinupuslit sa bansa.

* * *

Panoorin mamayang gabi, sa BITAG, sa TV5 ang kabuuang dokumentasyon ng mga nasakoteng mi­yembro ng West African drug syndicate.

ASYA

BUREAU OF IMMIGRATION

DRUG

DRUG ENFORCE

MIDDLE EAST

MULA AFRICA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PILIPINAS

WEST AFRICAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with