3 cock derby ni Atty. Biyong Garing
INIIMBITAHAN ni Atty. Biyong Garing ang mga kasabong na maglaro at sumali sa kanyang 3 cock derby sa Victoria Cockpit Arena, Victoria, Oriental Mindoro sa Mayo 25, 2012 (Biyernes) dakong alas-6 pm.
Sabi ni Ka Biyong, ang pot money ay P5,500, minimum bet ay P5,500. Price open, handler P12,000, gaffer P5,000.
Ayon kay Ka Biyong, ang desired weight ay 1.8 to 2.4 kgs. Submission of entries sa araw ng derby dakong alas 7am up to 12:00 noon.
Nagbabala si Ka Biyong sa mga mandarambong na magpapasok ng mga manok na kinulayan dahil ito aniya ay mahigpit na pinagbabawal sa kanyang pasabong.
Sa mga magsusumite ng entries at cockhouse reservation maari kayong tumawag kay Ted Dagdagan sa 0923-247-6437 at sa 0999-357-1584.
Sabi nga, see you there mga kasabong!
Si Glenda sa BOC
BUMABAGSIK ang pangalan ng isang Madame Glenda, kasi pumuputok ito sa bantot sa mga pinaggagawa nito sa aduana. siya ngayon ang kinatatakutan sa bureau pagdating sa palusutan ng mga kaalyado niyang mga smuggler.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mataas na opisyal sa gobiyerno ni P-Noy ang sumasalag kay Madama Glenda, alyas ‘tara queen,’ kaya malakas ang loob nito na tapakan ang sinuman haharang sa kanyang landas pagdating sa usapan ‘smuggling operations.’
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat makarating sa office ni Customs Commissioner Ruffy Biazon ang istilo ni Madame Glenda, alyas ‘tara queen,’ dahil mas maton pa daw ito sa mga oxo, commando, sputnik, BNG at mga Batang City Jail na nakakulong dyan sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, kasi para siyang may ‘bayag’ kung makaasta at nakikipag-away ito sa mga bataan ni Commissioner kapag nakalampag, nabuko o nahuli ang mga epektos ng kanyang mga inaalagaan na importer/broker sa aduana na may illegal transaction dito..
Sino ba si Madame Glenda, alayas tara queen sa aduana? Bakit matindi ang kamandag nito sa bureau at kayang supilin, pagmumurahin o pagsisigawan ang mga nanghuhuli sa mga parating na mga smuggled shipment ng mga kaalyado nitong mga broker/importer? Paging, Customs Commissioner Ruffy Biazon, Your Honor, pakibusisii nga, ang kamote!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ginigitnaan ni Madmae Glenda, alyas tara queen, ang mga shipment ng kanyang mga kaalyadong importer/broker oras na nasilip ito ng mga tinaguriang ‘huli group’ dyan sa BOC.
Sabi nga, huwag ninyong pakialaman!
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, halos weekly kung mag-meeting ang grupo ni Madame Glenda, alyas ‘tara queen’ at mga kaalyado niyang mga economic saboteur para planuhin ang matinding programa na oplan ‘destroy the enemy’ o demolition job laban sa mga tagapagpatupad ng ‘tamang daan’ para sa pagbabago sa BOC. Take note, P-Noy, Your Excellency!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kinakapa ng intel community ang operasyon ni Madame Glenda, alyas ‘tara queen’ et al para masungkit sila at matigil ang kagaguhan sa BOC.
Kamakailan lang ay nagpasabi na si P-Noy na suportado niya si Ruffy sa mga pinaggagawa nito sa bureau dahil nasa tamang daan ang tinatahak nito at naaayon sa batas ang mga galaw niya sa aduana at kung ang pangulo ng Philippines my Philippines ang tatanunging walang pag-asa itong maniwala sa mga paninirang ginagawa ng mga kamote sa BOC.
Sabi nga, suportado at may tiwala si P-Noy kay Biazon!
Ika nga, basta nasa matuwid na daan, maganda ang revenue collection tiyak si Biazon hindi matatanggal. Hehehe!
Abangan.
- Latest
- Trending