'Lagi akong may pigsa'
“Dr. Elicaño, ano po ba ang dahilan at nagkakaroon ng pigsa. Kasi po lagi akong may pigsa. Malinis naman ako sa katawan. Ano pong gamot sa pigsa?” — JUANITO LAYRON, Sta. Mesa, Manila
Ang pigsa (boil) ay bacterial infection. Ang organism na nagiging dahilan ng pigsa ay tinatawag na staphylococcus aureus. Ang organism ay nananahan sa mismong base ng buhok at dito magsisimula ang infection. Maaari ring pumasok ang organism sa maliit na sugat .
Mas madaling magkaroon ng pigsa ang mga taong may lowered immunity at mga bagong galing sa sakit.
Kapag may pigsa, dapat isang doctor ang magsasagawa nang pag-aalis sa nana (pus) nito. Nararapat na maging maingat ang doctor sa pag-drain ng nana sapagkat maaari itong mag-cause muli ng panibagong pigsa kapag bumahid sa katabing balat.
Bibigyan ng antibiotic ang may pigsa para malabanan ang infection.
Nararapat namang masuri ng doctor ang may pigsa para malaman kung wala itong diabetes.
* * *
Nagtungo ako kamakailan sa Frankfurt, Germany at dinalaw ang Villa Medic (VM), isang clinic para sa rejuvenation at revitalization. Ginagamot sa nasabing clinic ang mga sakit na gaya ng diabetes, psoriasis, arthritis, autism at iba pa.
Kasama ko sa larawan sina (mula sa kaliwa) Joey Santos, VM Philippine Coordinator; Dr. Andre Morato, Pinoy doctor sa VM; Bobby Kittichaiwong, Chief Executive Officer ng VM; Yvonne Elicaño, Dr. John Joseph Nite at ako.
- Latest
- Trending